MANILA, Philippines - Sa kabila ng dinadalang karamdaman na Type 1 juvenile diabetes, patuloy na nagbibigay ng inspirasyon si Gary Valenciano sa buong bayan sa pamamagitan ng kanyang talento.
Matapos bisitahin ang mga nasalanta ng bagyo sa Cagayan de Oro at Iligan, sinimulan ni Gary ang kanyang bagong segment sa ASAP 2012 na pinamagatang With Love, Gary V. — isang ideyang sumunod sa kanyang platinum CD (ng mga kantang theme song ng mga teleserye at pelikula ng ABS-CBN at Star Cinema) sa Star Records at sa kanyang TV special na ipinalabas sa ABS-CBN at MYX ng pitong beses noong 2011 at limang beses sa The Filipino Channel.
Ipinapakita sa naturang segment ang iba’t ibang kuwento ng pag-ibig, pagpapatawad, pagbabago, at paniniwala habang naghahandog si Gary ng mga awitin na kumakatawan sa kagandahan at kabutihan ng sangkatauhan.
Nagpunta pa si Gary kasama ang ASAP team sa Cagayan de Oro noong Marso para kuhanan ng video ang isang matapang na biktima ng bagyo na naging bahagi ng kanyang segment.
At mula sa kanyang segment at album, sinimulan ni Gary ang konsepto ng On a Higher Ground concert, isang fundraising project para sa Shining Light Foundation at UNICEF kung saan 14 taon na siyang National Ambassador.
Matutunghayan din sa concert ang groundbreaking technology at malulupit na audio-visuals na ihahatid ng kanilang corporate partners na Videosonic at Soundcheck.
“Excited na ako at kinakabahan dahil kakaibang mga sorpresa ang gagawin namin sa On Higher Ground,’” sabi ni Gary.
“Pinaka-excited ako para sa opening number namin. Sana ma-execute siya kung paano ko ito na-visualize.”
Makakasama ni Gary sa concert si Julianne, at ang dating member ng Rage Band at kasalukuyang musical director ng Authority na si Juan Miguel Salvador.
Endorser din nga pala si Gary ng Coca-Cola kung saan mayroon siyang mahigit sampung taon na kontrata. Hinirang siyang ambassador ng produkto nitong Real Leaf, at ngayon naman ay inanyayahan siyang awitin ang 100th Year official anthem ng Coca-Cola na Tuloy ang Happiness kasama si Sarah Geronimo at ng bandang Someday Dream.
Magsisimula na ang Gary V: On Higher Ground sa Abril 12, 13, 19, 20, 26, at 27; at sa Mayo 9 at 10 sa ilalim ng direksiyon ni Gary at ng anak na si Paolo Valenciano, at sa musical direction ni Mon Faustino.
Nagkakahalaga ang ticket ng Php 3,500.00, 2,500.00, 1,500.00, 1,000.00, and 500.00. Para sa mga ticket, tumawag lamang sa Ticketworld (891-9999), Music Museum (721-6726; 721-0635), at Manila Genesis (706-2170 to 71; 0915-4975225; 0908-8871397).
Amalia mild ang naging panlalait kay Annabelle!
Hinihintay na ang giyera sa pagitan nina Amalia Fuentes at Annabelle Rama.
Bago nag-Lenten break ay nagkaroon ng matinding sagutan sa Twitter ang dalawa. Pero itinaggi ni Amalia na ang account niya ang @iamamaliafuentes.
Pero pareho silang nangilin noong Semana Santa kaya natigil.
At ito ang unaabangan ng lahat.
Kelan ba raw mag-uumpisa.
Nagpa-interview na si Amalia pero bait-baitan na may halong pagtataray ang mga sinabi niya sa Rated Korina. “Right now, my emotions are not ready to deal with her on her level. You know ‘yung salitang maiintindihan niya at maiintindihan ng kanyang followers. You know it’s hard to go down to her level but I will, I can do it, I’d been there before. The only reason why I’m like this because I really worked hard to reach this level of decency. I went to school, did this and that but I’m willing to go down to that level again it’s just there lurking behind me,” sabi niya.
Oh oh. Baka ito na ang simula. Walang masyadong issue sa showbiz kaya waiting ang bayan sa pagpapatuloy ng away nila.