Derek certified Kapatid na!

Wala nang makapipigil pa sa pagiging Kapatid star ni Derek Ramsay dahil nagpainterbyu na siya kahapon kay Ruffa Gutierrez tungkol sa paglipat niya sa TV5.

Naganap ang paghaharap ng dalawa sa isang five-star hotel at  imposible na hindi nila napag-usapan ang pakikipaglaro ni Derek ng golf sa Hollywood actor na si Zac Efron.

Malamang na maulit ang pagkikita nina Derek at Zac kapag bumisita ito sa Pilipinas bilang bagong celebrity endorser ng clothing company.

Michael V at Ogie, magsasama sa pare & pare na parang ala-David Letterman ang concept

Pare & Pare ang title ng bagong weekly show nina Michael V. at Ogie Alcasid sa Kapuso network.

Ang Pare & Pare ang ipapalit sa Pepito Manaloto, ang show na nag-goodbye sa ere.

Tuwing Linggo rin ang timeslot ng Pare & Pare pero hindi ito isang sitcom. Ang sey ng aking source, parang show ni David Letterman ang concept ng Pare & Pare.

Magsisimula sa susunod na buwan ang new show nina Ogie at Michael V. Mapapaaga ang presscon ng bagong programa ng GMA 7 dahil bibiyahe sa Amerika si Michael V. at ang pamilya nito.

Erap affected na affected sa pagkamatay ni Angelo

Kabilang sina Korina Sanchez, Tina Monzon-Palma at Noli De Castro sa mga nagsalita kahapon sa necrological service para kay Angelo Castro, Jr.

Dinala sa ABS-CBN ang abo ni Angelo para sa tribute na inihanda ng kanyang  mga dating kasamahan sa News & Current Affairs.

Haligi si Angelo ng News & Current Affairs dahil isa siya sa mga nagsimula at utak ng TV Patrol noong 1986.

Kilalang-kilala rin ang multi-awarded broadcast journalist bilang bestfriend ni Papa Joseph Estrada.

Ikinuwento ni Papa Erap na pinuntahan siya noon ni Angelo sa Malacañang Palace noong kasagsagan ng impeachment case laban sa kanya.

Year 2001 noon at si Angelo ang big boss ng news department ng ABS-CBN. Bilang friend ni Papa Erap, affected si Angelo sa mga nangyayari sa kanyang kaibigan pero sinabi ng dating pangulo na walang dapat ipag-alala. Kung ano ang katotohanan, ‘yon ang ilabas na balita ng ABS CBN news.

Close sina Papa Erap at Angelo dahil sa mga pelikula na pinagsamahan nila. Nang sumakabilang- buhay si Angelo, saka lamang naalaala ng publiko na nag-artista muna siya bago naging award-winning broadcaster.

Tween Stars Sinisiraan

May isang texter na naging bisyo na ang magpadala ng mga text message sa mga entertainment columnist.

Ang nakapagtataka, mga kasiraan ng mga Tween­star ng GMA 7 ang nilalaman ng mga text message ng mystery texter.

Malas lang ng texter dahil hindi pinapatulan ng mga entertainment writer ang mga balita at paninira na ipinadadala niya.

Obvious kasi na gusto lamang siraan ng texter ang mga young star ng Kapuso network.

Boyet at Sandy panay ang bisita sa kamay ni Hesus para magpasalamat sa mga miracle sa kanilang buhay

Hindi ako nagulat sa balita na halos isang milyon ang bilang ng mga tao na nagpunta sa Kamay Ni Hesus sa Lucban, Laguna noong Holy Week.

Talagang dinarayo ng mga tao ang Kamay Ni Hesus na nagkaroon ng katuparan dahil kay Fr. Joey Faller.

Marami ang mga kilalang personalidad ang nagpupunta sa Kamay Ni Hesus para magdasal at mamanata.

Ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong ang dalawa sa mga kakilala ko na regular na nagpupunta sa Kamay Ni Hesus bilang pasasalamat sa mga miracle na nangyari sa buhay nila.

Show comments