^

PSN Showbiz

Nina naghandog ng show para kay Whitney Houston

-

MANILA, Philippines - Handog ng Asia’s Diamond Soul Siren na si Nina sa pumanaw na pop diva na si Whitney Houston ang kanyang show sa Music Museum sa gabi ng Abril 14.

Pinamagatang Timeless: Tribute to a Diva, isang klase ng pagpaparangal ang show ni Nina para sa international award-winning singer.

Pakinggan ang mga kanta ni Whitney Houston sa pamamagitan ng sarili nating award-win­ning artist na magbibigay-papuri sa alaala ng una.

Hindi na nakakagulat na haranahin ni Nina ang kanyang mga tagaha­nga sa pamamagitan ng mga kan­tang hu­­mubog sa in­dus­triya ng musika tu­ngo sa kinalalagyan nito ngayon.

Hahalo ang soulful vocal ni Nina sa mu­sical fluidity at pure me­­lodies ng American diva. At kakaibang bersiyon ang bi­big­hani sa mga manonood sa mga classic love songs ni Whitney na nagpasimula ng lahat sa mundo ng soul, pop, at R&B music.

Maraming international artists ang naimplu­wensiyahan ni Whitney tulad nina Mariah Ca­rey, Christina Aguilera, Celine Dion, at Beyoncé.

Maraming hadlang sa mga black artists ang sinira ng diva at nagbigay-daan sa ibang singer na gaya nina Janet Jackson at Anita Baker.

Pawang naging chart-topping hits noong 1990s ang mga popular soundtrack mula sa mga pelikula ng yumaong black singer na tulad ng The Bodyguard, Waiting to Exhale, at The Prea­cher’s Wife.

Pakinggan ang version ng Soul Siren na si Nina habang kinakanta niya ang mga iniwang musika ni Whitney Houston. Mabibili ang tiket sa Ticketworld (891-9999) at Music Mu­seum (721-6726).

ANITA BAKER

CELINE DION

CHRISTINA AGUILERA

DIAMOND SOUL SIREN

JANET JACKSON

MARAMING

NINA

SHY

WHITNEY HOUSTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with