Katrina ibinalandra na ang picture ng mala-pakwan na tiyan

Hindi napigil si Direk Dominic Zapata sa pagkukuwento sa mga mangyayari sa My Beloved gaya nang tatalon ang istorya nito after seven years, may mga bagong karakter na papasok, may muling mamamatay, at may manganganak.

Sa week nine na mangyayari ang mga malalaking pagbabago sa My Beloved at kulang pa ang nasulat namin sa itaas. May magnanakaw na mahuhuli ng CCTV camera at kung anu-ano pa.

Kinausap na rin ni Direk Dom si Katrina Halili at na-assure ng aktres na hangga’t kailangan siya at hangga’t kaya ay patuloy siyang magti-taping ng My Beloved. Ibig sabihin, hindi totoo ang balitang nag-resign ito. Ang tsismis talaga! Ang ganda nang mangyayari sa karakter niyang si Emmie sa mga susunod na episodes.

Speaking of Katrina, pinoste nito ang picture niya sa Twitter na ipinakita ang laki ng tiyan sa 16 weeks na pagbubuntis. May nag-comment agad na babae ang ipinagbu-buntis nito dahil mala-watermelon ang paglaki ng tiyan, bukod pa sa ang ganda-ganda niyang buntis.

Teleserye ni Kris ’di totoong tsutsugihin na

Sa Boracay din pala nag-Holy Week si Kris Aquino kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby at Thursday din bumalik ng Manila. The rest of the Holy Week ay nasa bahay niya sa Makati lang ang TV host-actress pero kahapon ay balik-trabaho na siya sa Kris TV.

This Tuesday, Thursday, at Saturday, balik-ta¬p¬ing si Kris ng Kailangan Ko’y Ikaw nila nina Anne Curtis at Robin Padilla at kasama sa cast si Tirso Cruz III. Kaya hindi totoo ang tsikang hindi na itutuloy ng ABS-CBN ang project.

Lilinawin namin na tsismis lang ang narinig namin para walang mag-react at kung sino na naman ang kagalitan. The fact na tuluy-tuloy na uli ang taping ng soap, patunay na mali ang tsismis.

Hosts sa talk show ng TV5 ire-reshuffle

Nag-initial meeting pala ang bossing ng TV5 bago mag-Holy Week para pag-usapan ang mga pagbabagong gagawin sa Paparazzi. Based sa napag-usapan, mag-iiba ang title ng show at magdadagdag ng segment host at may gagawing permanent host. Kung may matatanggal sa hosts ngayon, hindi pa masabi.

Ilan pang tanong namin na hindi nasagot ay kung kailan eere ang bagong showbiz-oriented talk show ng TV5 at kung ano ang time slot? Sana hindi palipat-lipat ang time slot gaya nang ginagawa sa Paparazzi para hindi nalilito ang mga viewers at nawawala tuloy.

The Road screening nauna sa Europe bago sa US

Natuloy din kahapon (April 9) ang screening ng The Road sa Brussels International Fantastic Film Festival 2012 after maayos ang minor problem. April 8 ang original schedule ng screening at na-tweet ni Direk Yam Laranas na puno ang 1,200-seater venue ng screening pero hindi nga natuloy dahil sa “technical glitch” na na-banggit ng director.

Nauna pala ang European premiere ng movie at si Direk Yam lang ang present sa Brussels pero sa red carpet premiere ng movie sa LA Live Los Angeles, California sa May 9 ay sasamahan si Direk Yam ng mga producers at ilang bossing ng GMA Films at ilang cast ng movie.

Siguradong dadalo sa premiere sina Rhian Ramos, Alden Richards, Lexi Fernandez, at Marvin Agustin na tamang-tama na nasa States that time. Pending pa kung makakasama sina Derrick Monasterio at TJ Trinidad. Hahanapin siguro ng audience sina Barbie Forteza, Loiuse delos Reyes, Renz Valerio, at Carmi-na Villarroel na major din ang participation.

 

Show comments