Bakit kaya ayaw iwan o isara ni
Sharon Cuneta
ang kanyang Twitter account eh obvious na talung-talo siya sa nagaganap na sagutan nila ng mga hindi niya kilalang tao?
Talung-talo ang isang may breeding sa walang habas magsalita ng hindi magaganda tungkol sa kanya sa pamamagitan ng Internet. Napipintasan pa siya sa sinasabi nilang pagbibintang niya sa mga taong tulad ng ex-boyfriend ng kanyang anak na patuloy namang nananahimik. Dahil dito, tama man siya o mali, siya ang nagdadala ng bigat ng sitwasyon.
Pakinggan mo ang mga nagmamalasakit sa iyo, Shawie. Walang kabutihang maidudulot sa iyo ang pagsagot sa mga bumabatikos sa Twitter. Pinagkakatuwaan ka lang nila. Paano naman, hindi sila kilala kaya hindi sila naapektuhan. Hindi tulad mo na kilala na’t may pangalan.
Kainan ni Joel lalong lumalakas
Nasa kanto lamang ng kalsada na kinaroroonan ng aking bahay sa Valencia Street ang JT Manukan na pag-aari ni Joel Torre. Gusto kong sabihin na simula nang buksan niya ito ilang taon na ang nakararaan ay hindi nababawasan at bagkus ay nadadagdagan pa ang kumakain sa kanyang lugar at maging ’yung mga nagti-take home. Atraksiyon ng lugar hindi lamang ang masarap nilang timplang manok kundi ang makitang madalas dun ang magaling na aktor na nag-aabot ng take-out order at personal ding nagwe-welcome sa mga kumakain sa kanyang lugar.
Kaya naman pala, okay lang kay Joel na hindi umarte dahil meron na itong pinagkakaabalahan at pinagkakakitaan din. Pero sana huwag niyang tuluyang iwan ang kanyang pag-aartista.