Pops bisi-bisihan sa online business
Kahit matagal nang hiwalay ang estranged couple na sina Pops Fernandez at Martin Nievera, marami pa rin ang naghahangad na magkasama ang dalawa sa mga shows and concerts. Nakatakda na namang magkaroon ng 6-City US tour ang dalawa kasama ang Concert Comedy Queen na si AiAi de las Alas this month na pinamagatang Three’s Company at dalawa sa Canada, ang Twogether na silang dalawa lamang. Bago umalis, tatapusin muna nina Pops at Martin ang kanilang duet album under PolyEast na pinamagatang No More Words with their son na si Robin Nievera as the producer.
Bukod sa shows and concerts, ang isa pang pinagkakaabalahan ngayon ni Pops ay ang kanyang online fashion business na Cheapipay at ang The All Star Golf Cup ng Philippine Chamber of Commerce and Industry – Youth Affairs Committee kung saan miyembro si Pops. Ito’y gaganapin sa May 14, 2012 sa Alabang Golf and Country Club at nakatakdang salihan ng business community, government officials at mga taga-entertainment business.
Aga ready na!
Alam mo, Salve A., marami-rami na rin sa ating mga showbiz personalities ang pumalaot sa mundo ng pulitika at nagtagumpay at ang kalakarang ito ay magpapatuloy.
Ang pinaka-latest na papasok sa pulitika ay si Aga Muhlach sa susunod na local elections at malamang daw na kumandidato ito sa pagka-congressman representing the 4th district of Camarines Sur kung saan nagmula ang pamilya ng kanyang ama. In a few years time, iiwan na rin ng King of Talk na si Boy Abunda ang kanyang showbiz career para pasukin din ang pulitika.
Sweet gustong mag-solo sa pelikula
Dalawang pelikula na ang ipinagkatiwala sa dating stand-up comedian-turned TV host na si Vice Ganda, ang movie remake ng Petrang Kabayo at ang Praybet Benjamin na siyang sumira sa lahat ng existing box office records ng takilya at isa rin ito sa mga pangarap ng comedian/TV host na si John `Sweet’ Lapus, isa sa mga tampok na bituin sa Moron 5 and the Crying Lady na bida rin sina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin, DJ Durano, at Mart Escudero na dinirek ng box office director na si Wenn Deramas under Viva Films and MVP Pictures.
Si Sweet ay nagtapos ng Hotel and Restaurant Management sa UST pero sa ibang field siya napunta, sa larangan ng entertainment na gustong-gusto naman niya. Ang kanyang career ay nagsimula sa bakuran ng ABS-CBN kung saan siya naging researcher at segment producer hanggang sa siya’y maging segment host at ito’y mag-grow bilang actor at TV host. Noong isang taon, siya ang tinanghal na Best Actor in a comedy para sa pelikulang Here Comes The Bride at looking forward si Sweet na siya’y mabigyan ng solo movie balang araw. Si Sweet ay regular na napapanood bilang isa sa mga host ng Showbiz Central.
- Latest