Regine mas piniling maka-duet ng Blake kesa kay KC

Bagamam at sa mga kantang classical at pop nakilala ang British singing group na Blake, nakakakanta sila ng maraming awitin at nagagawa ito sa sarili nilang pamamaraan.

Matagal na sa music scene ang Blake. Milyon na ang naging benta ng kanilang mga recording. Isang taon pa lamang silang kumakanta ay nanalo na sila ng Album of the Year sa pamosong BRITT Awards. Naging kamag-aral sila ng Prince and Princess of Wales na sina Phillip at Kate at nag-perform na sa Buckingham Palace sa harap nina Queen Elizabeth at Prince Philip. Pero kung nag-e-enjoy man ng kasikatan ang grupo sa mga Pinoy , ito ay dahil sa pagkaka-link ng isa nilang kagrupo, si Jules Knight kay KC Concepcion. Naging open ang Britton sa pagsasabing gusto niyang mas makilala pa ang anak ni Megastar Sharon Cuneta. Una silang nagkakilala nung unang pumunta rito ang apat para mag-show nung nakaraang taon.

Pero hindi si KC kundi si Regine Velasquez ang napili nina Humphrey Berney, Stephen Bowman, Jules Knight, at Ollie Baines  para maka-duet. Fan ang apat ni Songbird kaya ngayon pa lamang ay excited na sila sa paghahanap ng kanta na makakanta nilang lima. Ang ikatlong album nila, ang Together na silang apat ang nagprodyus ay ipinamamahagi rito sa bansa ng Universal Records. Tampok dito ang bersiyon nila ng Bridge Over Troubled Water nina Simon & Garfunkel, With or Without You ng U2 at She ni Elvis Costelo.

Kyla preggy na!

Expectant parents na pala sina Kyla at ang sikat na basketbolistang mister niya. Excited ang dalawa dahil maaga silang pinagkalooban ng anak. Dahil mga dalawa o tatlo lamang ang gusto nilang supling, ngayon pa lamang ay nagsisimula na silang magplano para sa kinabukasan ng mga magiging anak nila. Meron na ring mga napiling pangalan ang mag-asawa pero saka na lamang nila sasabihin kapag lumabas na ang kaniilang baby.

Enrique potato and cheese ang tawag kay Kathryn

Si Kathryn Bernardo pala ‘yung ipinang-iimbita ng ABS-CBN na kokoronahan sa bagong teleserye nitong The Princess and I sa Abril 16.

Bagaman at tatlo ang makakapareha niya sa nasabing palabas, sina Khalil Ramos, Daniel Padilla at Enrique Gil, sa huli mas nali-link si Kathryn. Sa Bhutan na kung saan ay nag-shooting sila ng serye ay madalas makitang gu­magala ang dalawa kasama ang kanilang mga aso. Sa sobrang closeness nila, meron na silang pet names sa isa’t isa. Panget ang tawag ni Kathryn kay Enrique at Potato and Cheese naman ang tawag ng batang aktor sa kanyang kapareha.

Mahalagang bahagi rin ng The Princess and I si Gretchen Barretto na huli pang napanood sa Magkaribal. Ito bale ang kapalit nang iniyakan niya pero hindi natuloy na serye niyang Alta.

Maraming artista nagpi-piyesta sa beach

Out of the country kundi man out of town ang magiging destinasyon ng maraming artista ngayong Holy Week. Hindi naman natin sila masisi. Sa sobrang kaabalahan nila, sa mga ganitong pagkakataon lamang sila nalilibre sa shooting at taping. Walang umuobliga sa kanilang magtrabaho.

Pinakamagandang lugar na pahingahan nila at malayo sa paningin ng publiko ay mga beach resorts. Dito nga naman, they are able to let their hair down. Wala silang inaalalang imahe na kaila­ngang alagaan. Hindi naman puro pagsasaya ang ginagawa nila. Nagninilay-nilay din sila kasama ang kanilang special someone, friends, and family.

Kaya sa inyong mga nasa bakasyon, sana nga magbigay inspirasyon sa inyo ang naging sakri­pisyo ng ating Panginoon para magkaroon tayo ng isang maganda at hindi makasalanang buhay.

Show comments