Bawing-bawi raw ang asawa, Sharon ipinagmamalaking talented sa romansa si Sen. Pangilinan
PIK: Pagkatapos ng Holy week ay maaring ihahayag na ni Sen. Bong Revilla ang gagawin niyang pelikula bago mag-Metro Manila Film Festival.
Kung matutuloy ito, malamang pelikula ito na puwede ngang pang-MMFF. Makakasama niya rito ang isang malaking action star na maaring pumayag maging kontrabida.
Makakatambal din niya rito ang isa ring kilalang aktres ng Kapamilya network.
Si Direk Rico Gutierrez ang naatasang magdirek, pero marami pa silang aayusin bago ito itutuloy.
Pero inaayos din nila ang pang-MMFF na maaring pagsasamahan nina Vic Sotto at Aiai delas Alas.
PAK: Nagsimula nang mag-taping ng ilang episode ang talk show ni Sharon Cuneta na pinamagtang Sharon, Kasama Ka Kapatid.
Isa sa episodes ay guests sina Lolit Solis at Cristy Fermin.
Riot ang balitaktakan nila dahil pati sex ay napag-usapan nila.
Ikinuwento pa ni Sharon na napaka-talented daw ni Sen. Kiko Pangilinan pagdating sa mga intimate moments nila sa kama.
Maingat lang sila sa pagkukuwento, pero tuwang-tuwang na-share ni Sharon na pagdating sa ganung bagay, ay bawing-bawi raw ang asawa niya. Diyan daw niya maipagmamalaki ang asawa.
BOOM: Mainit pa ring pinag-uusapan ang balitaktakan nina Annabelle Rama at Amalia Fuentes sa Twitter dahil sa insidenteng nangyari sa necrological mass ni Joey Stevens kamakalawa ng umaga.
Nung nakausap naman ng ilang reporter si Amalia, sinabi niyang hindi raw siya ang nagti-tweet nun. Maaring mga supporters daw niya ang gumagawa nun.
Pagkatapos daw ng Semana Santa ay magsasalita si Amalia laban kay Tita Annabelle, na hindi naman daw kinatatakutan ng huli.
Nagtataka lang si Tita Annabelle kung ano raw ang galit ni Amalia sa kanya gayung wala naman daw siyang ginagawang masama sa aktres.
Panibagong kaaway na naman ito ni Tita Annabelle na ilang beses naman niyang sinasabing hindi niya ito uurungan.
- Latest