Oyo kaba at takot ang naramdaman nang malamang ikakasal si Dina!­­

Ang muling pagpapakasal ng inang si Dina Bonnevie ang isa sa itinanong ng press kay Oyo Sotto sa taping nito ng Valiente. Ikinasal si Dina kay Ilocos Sur Vice Governor Deo­gracias Savellano last March 28, sa Antipolo Regional Trial Court. Present sina Oyo, kapatid na si Danica Sotto-Pingris at Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.

“Nagulat kami ni ate at may konting kaba at takot. Kinausap namin si Mama kung sigurado siya dahil we want her to be okay at ‘di siya sasaktan. Pinag-pray daw niya ito at kita naman namin ang sincerity ni vice,” tawag nila sa kanilang stepfather.

Sabi ni Oyo, hindi sila naiyak ni Danica, natuwa sila dahil weird daw ang feeling. Kampante naman sila dahil mabait at mukhang matino ang new husband ni Dina. Hindi alam ni Oyo kung alam na ng amang si Vic Sotto ang pagpapakasal ni Dina dahil nakaalis na ito for the States nang ikasal ang ina.

Samantala, nabanggit ni Oyo na nagulat at nanghinayang siya nang ilipat ng TV5 sa late time slot ang Valiente to accommodate Nandito Ako dahil alam niya ang hirap ng staff, cast at ni direk Joel Lamangan. Wish nitong hindi na baguhin pa ang time slot para hindi naaapektuhan ang ratings ng teleserye.

Julie Anne may panata tuwing Mahal Na Araw

Kasama pa rin si Julie Anne San Jose sa special summer episode ng Tweenhearts  bilang ka-love team ni Jake Vargas sa singing career nito. Natutuwa ito dahil hindi nagagalit sa kanya ang fans nina Jake at Bea Binene dahil nasusulsulan lang ang karakter niya na agawin si Jake kay Bea.

Program at enjoy siya dahil masayang kasama ang tweens ng GMA 7. Ayaw nang mag-comment ni Julie Anne sa isyung sinabi niyang may GF si Elmo Magalona dahil nag-react ang fans nila.

Na-misquote lang daw siya at sabi lang daw niya, may koneksiyon ang tweets nina Elmo at diumano’y GF nito.

Para sa Holy Week, magsi-serve si Julie Anne sa Sto. Domingo Church, kakanta siya sa Siete Palabras bilang panata. After this, showing ng Just One Summer nila ni Elmo at birthday concert sa Hardrock Café sa May 19, ang kanyang paghahandaan.

Joel Lamangan nakapirma na pala ng non exclusive contract sa TV5

Nasulat namin kahapon na pipirma pa lang ng kontrata sa TV5 si direk Joel Lamangan, ‘yun pala nakapirma na ito ng two-year non exclusive contract last Friday, March 30. So, hindi ang Valiente  ang magiging last project ni direk sa network.

Pero dahil non-exclusive ang pinirmahang kontrata, puwede pa siyang magtrabaho sa ibang network. Wala pang project sa TV5 si direk Joel after Valiente kaya pelikula raw muna ang gagawin nito.

Show comments