Panawagan, 'Gusto ko pang umarte'

Salamat sa Viva at nakagawa na naman ako ng isang pelikula. Ang tagaaaaaal-tagal na mula nang huli akong mabigyan ng role sa isang pelikula. Sa Paaupahan pa yata ‘yun na kung saan ay na-recognize naman ang effort ko. Nagtatanong nga ako kung bakit bihira akong ma-offer-an ng assignment sa isang pelikula eh hindi naman ako banong umarte, professional naman ako. Bakit nga kaya. Baka kailangan pa akong mag-apply? Kaya nga matapos ang work ko sa Moron 5 and the Crying Lady ay kinausap ko talaga ang director namin sa movie na si Wenn Deramas na kung maari ay alalahanin niya ako kapag nagka-casting siya ng susunod niyang movie. Kailangan ko rin namang mailabas ‘yung passion ko sa pag-arte. Gusto ko ring mabigyan ng variety yung trabaho ko.

Masaya ‘yung naging shoot namin ng Moron 5, masaya talagang makatrabaho ang mga bata. Walang dull moments sa set.

Sana nga hindi lang si direk Wenn ang ma­kaalala sa akin. I’m calling the attention ng mga gu­magawa ng pelikula na kunin naman nila ako. I’m not yet retired. Gusto ko pa ring umarte.

Nora Aunor nagtayo ng sariling opisina

Nasa Singapore kami at nagti-tape ng mga last episodes ng Pepito Manaloto na kung saan ay kasama ang alaga kong si Jake Vargas nang makausap ko si Nora Aunor. Kababalik lang nito at nag-iimbita for dinner. Sabi ko I’ll check my sked. 

Ngayon namang nakabalik na ako ay siya naman ang busy. Nagtayo ito ng kanyang opisina at dito naman nabuhos ang kanyang panahon. Tapos, sabay niyang gagawin, hindi ko alam kung paano, ang shooting niya  ng indie film nila ni Brillante Mendoza at ang teleserye niya sa TV5.

Good luck sa kanya. Backbreaking ang dalawang trabaho kung pagsasabayin niya. Plus may opisina  pa siya na patatakbuhin. Ang maipapayo ko lang sa kanya ay kumuha siya ng tao na maasahan at makakatulong niya sa opisina. Budgetan niya itong mabuti para may pumasok ding income at hindi lahat ay palabas. Kung ako sa kanya ay hahanapin ko ang lahat ng pelikula na ginawa sa sarili niyang produksiyon, ang NV Productions. Mabenta ang mga old movies sa TV, maari niya itong pagkakitaan.

Show comments