Luis wala pang planong pakasalan si Jennylyn

Wala pala talagang pag-asang mag-guest sa Deal or No Deal si Angel Locsin.

Katuwiran ni Luis Manzano hindi sa ayaw niya, kundi ayaw niyang mapaglaruan ang show. “Gusto kong protektahan kasi oo naman tututukan ang pag-guest niya pero siguradong magkakaroon ng isyu,” katuwiran ni Luis.

Besides kahit pala nasa iisang compound sila, mahigit isang taon na rin pala silang hindi nagkikita at nagkaka-usap.

So magha-hi ba siya in case na magkita sila? “Mas magtataka naman sila kung hindi ko siya babatiin,” sabi ni Luis sa isang tsikahan para sa pelikula nilang Moron 5 na pinagbibidahan nila nina Billy Crawford, Marvin Agustin, Martin Escudero and John Lapus under the direction of Wenn Deramas for Viva Films.

More than two years na rin silang hiwalay pero hanggang ngayon nakakabit sa pangalan niya ang aktres (at vice versa) na ngayon ay ‘karelasyon’ ang star player ng Azkals na si Phil Young­husband (actually hindi pa sila umaamin officially mag-on sila basta ). “Wag na kaya nating pag-usapan kasi baka naman sabihin ginagamit ko sa promo ng pelikula namin,” sabi ni Luis, pero wala siyang choice, talagang tinatanong-tanong pa rin siya tungkol sa ex na sinubukan niyang balikan noon ‘di ba pero wala talagang nangyari.

At dahil nga hindi pa umaamin si Angel, siya pa rin ang naunang nagkipag-relasyon after ng ‘madrama’ nilang break up.

Ngayon, obvious na masaya si Luis sa relasyon kay Jennylyn Mercado na sa bahay niya pala nag-Pasko.

Yup, may sariling bahay na si Luis ‘di ba . Ipinamana sa kanya ng mommy niyang si Gov. Vilma Santos sa isang sosyal na subdivision sa QC. Ipinagiba nga niya ang old house at saka itinayo ang bago na ginastusan niya ng sariling pera.

Tatlong bedroom ang bagong bahay. Lumabas kasi dati na walong bedroom ang house pero joke lang pala ‘yung sinabi niya sa kanyang kausap noon.

Bukod sa nasabing bahay, maraming pag-aaring taxi ang kumpanya ni Luis, tatlo silang magkaka-sosyo sa corporation.

Pero wala pa sa plano nilang pakasal ng Kapuso actress. Pareho silang naka-focus sa kanya-kanyang trabaho nila.

Pagdating naman sa anak ni Jennylyn na si Jazz, hangga’t maari ayaw itong pag-usapan ng TV host actor. 

Samantala, naninimbang pa si Luis kung papasok siya sa pulitika lalo na nga’t malaki ang nagawa ng mommy niya sa Batangas bilang Mayor at ngayon ay governador.

 “If I decide to run with this schedule, siguro kalahati lang kaya kong ibigay. If tatakbo man ako, meron akong kailangan i-give up talaga, dahil ayokong maging unfair sa mga tao. 

“Hindi ito TV show na pag ‘di mo masyadong tinutukan, bababa ang ratings. Ito ‘pag hindi mo tinutukan, may magugutom,” sabi niya.

At any rate, malakas ang aliw factor ng pelikula nilang Moron 5 na ipalalabas sa Black Satur­day.

Pang-limang pelikula na niya ito kay Direk Wenn.

Show comments