Xian tumatanaw ng utang na loob kay Kim

Talaga sigurong nakatakdang sumikat si Xian Lim. Kahit wala na siya sa anino ni Kim Chiu ay patuloy ang pag-angat ng kanyang career. Ang maganda kay Xian never niyang kinakalimutang I-acknowledge ang partisipasyon ni Kim sa kanyang career. Ibinibigay niya rito ang credit sa kanyang pagsikat.

Kaya huwag na nating kondenahin si Xian na parang walang utang na loob kay Kim dahil kinikilala niya ang naging malaking tulong nito sa kanya. 

‘Eh ano kung magregalo ng kotse ang bakla’

Eh ano naman kung nagreregalo ng mamahaling gamit sa isang lalaki si Vice Ganda? Eh kaya naman niya. Ang masama ay kung ipinangungutang pa niya ang ipinamimigay niya sa mga lalaki pero may sapat siyang kakayahang magbigay ng mamahaling regalo, kahit kotse pa ito o bahay kaya.

Kung siya nga hindi nagbibilang, tayo pa kaya?

Show comments