^

PSN Showbiz

Show ni Sharon once a week na lang, show nina Ruffa, Lucy, at Mariel ang ipapalit?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Once a week na lang pala ang magiging programa ni Ms. Sharon Cuneta sa TV5 ayon sa isang source.

Ano kayang nangyari. Originally ay everyday, tuwing hapon, mapapanood ang programa pero obviously nag-iba sila ng plano.

Balitang nagsisimula na silang mag-taping.

Isa pang changes na mangyayari sa TV5 ay balitang magba-babu na rin sa ere ang talk show na Paparazzi na dating Linggo napapanood pero inilipat tuwing Sabado ng hapon at ngayon nga ay balitang tsutsugihin na nga sa ere.

May iniisip na raw kapalit ang show – na ang magiging host ay sina Ruffa Gutierrez, Lucy Torres, at Mariel Rodriguez.

Ang siste hindi pa raw alam ng mga taga-Paparazzi na matitigbak na ang programa.

Nakaka-sad naman ang balita. In fairness, magagaling ang host na sina Ruffa Gutierrez, Cristy Fermin, Zoren Legaspi, at sis Doly Anne Carvajal.

In fairness, matagal din silang umere. Hindi nga lang siguro talaga nakasabay sa nauna nilang tinapatan na The Buzz and Showbiz Central.

Extreme Makeover inabot ng isang taon bago iere

After a year, finally ipalalabas na ng TV5 ang sinasabi nilang pinaka-magastos nilang programa, ang Extreme Makeover: Home Edition Philippines hosted by Paolo Bediones.

Sinundan nila ang original format ng programa na sumikat noon sa Amerika at ipinalabas sa 185 countries kasama na nga ang USA.

Sa ipinakitang mga teasers, talagang gumamit sila ng bulldozer at   tinibag ang mga napiling bahay sa maraming lugar sa Pilipinas para i-make over.

Ayon kay Paolo, matagal ang naging process nang pagpili nila kaya inabot ng isang taon bago sila tuluyang makaka-ere.

“Grabe ang ginawa naming research sa mga naging recipients, kasi maraming sumusulat sa amin pero siyempre kailangan kang mamili,” sabi ni Paolo.

Ilan sa mga mechanics nang mga napili ay papel na nagpapatunay na pag-aari ng pamilya ang lupa, may extraordinary and inspiring stories ang pamil­ya, at kailangang-kailangan ng improvement ang kanilang bahay at siyempre totoong mahirap sila. Naniguro nga naman sila na mapeke sila tulad nang isang kaso sa Amerika.

Ilan sa mga pamilya na napili nila ay galing Cavite, Pampanga, Marikina, Cebu, Bulacan, Valenzuela, Rizal, Cagayan de Oro at indigenous people’s community sa Nueva Vizcaya.

At bukod sa bagong bahay na ibinigay, binigyan din nila ng scholarship ang mga member ng mga pamilyang napili nila.

Mabilisan ang paggawa ng bahay – pinakamabilis ang 2 weeks kasama doon ang interior.

Anyway, ang Extreme Make Over sa bansa ang kauuna-unahang   sa buong Asya.

Kasama ni Paolo ang isang grupo ng industry professionals na   tinawag na Extreme Makeover: Home Edition Philippines’ Design Team na binubuo nina designer and socialite-philanthropist Tessa Prieto­-Valdez, fashion model Divine Lee, professional interior designer Tristan Jovellana, at interior design consultants Marilen Faustino, Montenegro at Joby Belmonte.

Bukod sa mga kuwento ng mga pamil­yang nabiyayaan, may guest stars sila. Isa si Megastar Sharon Cuneta, Superstar Nora Aunor at American Idol David Archuleta ang ilan lamang sa aapir sa programa

Ang Extreme Makeover: Home Edition Philippines ay mapapanood tuwing Linggo ng gabi simula Abril 15 pagkatapos ng Talentadong Pinoy. Ang daily primer ay mapapanood sa primetime simula Abril 9 sa TV5.

Ginigiba nila ang mga bahay at saka uli magtatayo ng bago, siguradong milyun-milyon ang gastos ng TV5 dito.

Pero wala silang ibinigay na figure kung magkano ang total na nagastos nila.

Pilik-mata ng young actress oa, sobrang haba!

Sobrang haba naman ng pekeng pilik-mata ng isang young actress. Kaya nga parang halos hindi na makaya ng mata niya.

Maliit pa naman ang mukha ni young actress kaya mas ito ang napapansin sa kanya.

Try kaya niyang pumunta sa salon ni Bambbi Fuentes para naman maganda ang hitsura niya bago siya makipagtsihakan sa presscon.

vuukle comment

ABRIL

AMERICAN IDOL

AMERIKA

ANG EXTREME MAKEOVER

EXTREME MAKEOVER

HOME EDITION PHILIPPINES

RUFFA GUTIERREZ

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with