MANILA, Philippines - Sa nakalipas na isang dekada, naging saksi ang buong mundo sa mga pinakamalalang sakunang naitala sa kasaysayan. Naniniwala ang ilan sa mga eksperto na ang mga sakuna tulad ng malalakas na lindol at tsunami na nangyari sa iba’t ibang bahagi ng Asya noong 2004 at sa Japan sa 2011 ay nagpapahayag ng mga pangitaing nalalapit na ang paggunaw ng mundo.
Ang nakababahalang giyera sa Gitnang Silangan, ang banta ng nuclear attack ng Iran at North Korea, at ang malalakas na bagyong bumayo sa Pilipinas ay lalo pang nagdadala ng takot sa mga tao sa buong mundo. Nalalapit na nga ba ang pagtatapos ng sandaigdigan?
?Matapang na ilalahad ng TV5 News and Information ang sagot sa mga tanong sa isang espesyal na dokumentaryo tungkol sa kumakalat na ispekulasyon sa umano’y nalalapit na paggunaw ng mundo sa Ang Katapusan, kasama si Luchi Cruz-Valdes ngayong Biyernes Santo (Abril 6), alas-9:00 ng gabi at sabayang mapapanood sa TV5 at sa news channel na Aksyon TV.
Sisikaping sagutin ng dokumentaryo ang katotohanan sa likod ng Nicene Creed na naglalahad ng diumano’y nalalapit na paghuhukom.
Personal na bibisitahin ni Luchi Cruz-Valdes ang Israel upang ipakita ang sinasabing lugar kung saan magaganap ang ‘muling pagbabalik,’ kasabay ng pag-aanalisa sa kasalukuyang lagay ng pulitika ng Israel kaugnay sa relasyon ng nasabing bansa sa rehiyon sa Gitnang Silangan.
Iimbestigahan din ng NEWS5 Chief Correspondent ang mga pananaw at teorya ukol sa umano’y napipintong paggunaw mula mismo sa New York Times best-selling author na si Joel Rosenberg.
Tatalakayin ng dalawa ang aklat ni Rosenberg na Epicenter na nagpapahayag ng Apocalypse base sa mahabang pagsasaliksik at pag-aaral ng awtor ng Bibliya.
Alamin ang katotohanan tungkol sa katapusan ng mundo sa isang espesyal na dokumentaryo ngayong Biyernes Santo (Abril 6), 9-10:30 pm sa TV5 at Aksyon TV (Channel 41 sa Mega Manila, Channel 29 sa Metro Cebu at Davao, Channel 1 sa Cignal Digital TV at Channel 59 sa Sky Cable).