^

PSN Showbiz

Jose Manalo naglagak na naman ng P2 M bago lumayas pa-Amerika

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Proud si Ogie Alcasid sa project niyang OPM@Pagcor dahil nakapag-discover sila ng mga magagaling na singers na humahataw na ngayon sa lahat na mga Pagcor ng bansa.        

Nagkaroon sila ng singing competition kung saan nakapaglunsad sila ng mga magagaling na singers na patuloy na tini-training ng Pagcor.

Dahil sa success ng singing contest na ito nung nakaraang taon, magkakaroon uli ngayong taon ng singing competition.

Magsisimula ang audition ng mga possible contestants sa Mayo sa lahat na mga Pagcor branches ng bansa.

Ayon kay Ogie, isa ito sa magagandang achievements ng OPM.

PAK: Totoo bang dalawang milyon daw ang ipinost na bond kay Jose Manalo para makaalis lang ito papunta ng Amerika?

Umalis si Jose kahapon kasama ang partner nitong si Wally Bayola para makahabol sa grupo ng Eat Bulaga na magsu-show sa San Francisco, California.

Tuwing lumalabas ng bansa si Jose ay nagpu-post ng bond ang Eat Bulaga ng malaking halaga dahil sa kaso ng asawa niyang si Anna Lyn Manalo na kung saan nadamay pa siya.  

Dahil may hold order sila, kailangan nilang mag-post ng bond na minsan ay umaabot ng P500,000. Pero umabot na ngayon ng dalawang milyon dahil sa panibagong isinampang kaso ng kanyang asawa.

Kaya minsan ay umaatras ang ilang producer na gusto silang kunin na mag-show sa ibang bansa, dahil kailangan mo pang mag-post ng malaking bond.

BOOM: Ayaw pa ring magsalita ng dating magkasintahang Jay R at Krista Kleiner tungkol sa kanilang break-up. Pero nung huling nakausap namin si Krista, sinabi nitong medyo okay na raw sila ni Jay R at nag-uusap na raw sila.

Inaayos daw nilang maging friends na lang kung hindi man sila magkabalikan. Okay na raw ang ganun dahil may project pa silang pagsamahan gaya nitong dance album ni Krista na malapit nang i-launch.

vuukle comment

ANNA LYN MANALO

DAHIL

EAT BULAGA

JAY R

JOSE MANALO

KRISTA

KRISTA KLEINER

OGIE ALCASID

PAGCOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with