Katatapos lang ng Bible study ni Papa Manny at ng production staff ng kanyang game show nang dumating ako.
Iniinterbyu si Papa Manny para sa 700 Club nang umapir ako sa studio. Kasama niya si Jeric Soriano, ang anak ng yumaong matinee idol na si Nestor De Villa na naging movie director na pastor na ngayon at future father in-law ni Toni Gonzaga.
Napabilib ako ng Pambansang Kamao dahil ang husay-husay na niya na magsalita ng Ingles. May Visayan accent pa rin si Papa Manny pero correct na correct ang kanyang grammar habang iniinterbyu siya para sa 700 Club.
Kumbinsido na ako na matalinong tao si Papa Manny. Totoong-totoo ang kuwento ni Papa Lito Atienza na very intelligent ang kanyang protegee kaya hindi nakapagtataka na naging sikat na boxer ito sa buong mundo.
Annabelle Rama at kapatid ni Nadia nagtalakan sa elevator
Hindi ko na-witness ang word war nina Annabelle Rama at Katya Montenegro nang magpang-abot sila sa elevator noong Martes
The who si Katya? Siya ang kapatid ni Nadia Montenegro na mortal enemy ni Annabelle. Nabalitaan ko ang nangyari mula sa mga nakasaksi sa madamdamin na eksena nina Annabelle at Katya. Madamdamin daw o!
Nalaman ko ang mga kaganapan dahil nagpunta nga ako sa press interview para kay Sarah Lahbati sa 17th floor ng GMA Network Center. Habang nakikipagtsikahan si Sarah sa mga reporter, nagtatalakan naman sina Bisaya at Katya.
Ano ang connect ni Sarah kay Annabelle? Siya ang leading lady ni Richard Gutierrez sa bagong primetime show nito sa GMA 7, ang Makapiling Ka Muli.
GMA 7 happy sa apat nilang programa sa hapon
Dumalo sa presscon para sa afternoon shows ng Kapuso network noong Martes ang mga lead star ng Hiram na Puso, The Good Daughter, Broken Vow, at Alice Bungisngis and Her Wonder Walis.
Happy as in super happy ang mga artista ng afternoon programs ng GMA 7 dahil humahataw sa nationwide ratings ang kanilang mga show.
Muling pinatunayan ng GMA 7 na magaganda ang kanilang mga traditional drama dahil hindi ito binibitiwan ng mga manonood. Hindi na naglilipat ng channel ang televiewers pagkatapos ng Eat Bulaga dahil pinapanood nila ang mga drama show ng GMA 7 mula 2:30 pm hanggang 6:30 pm.
Mahirap mapantayan ang kasaysayan na ginawa sa telebisyon ng apat na programa ng aking mother studio!
Starstruck Avenger pang-leading man na ang hitsura
Hindi ko nakilala si Ian Batherson sa kanyang toothpaste commercial na palaging ipinapalabas sa TV.
Poging-pogi at artistang-artista ang projection ni Ian. Pang-leading man ang Starstruck V Avenger kaya it’s a must na matuto na si Ian sa pagsasalita ng tuwid na Tagalog para mabigyan na siya ng mga challenging role.
Pursigido si Ian na matutunan ang ating sariling wika. May effort siya na magsalita ng Tagalog pero ang nakakaloka, malalalim na wikang Pilipino ang kanyang alam dahil ito ang naririnig niya mula sa kanyang old relatives.
May dugong Pinoy si Ian kaya sure ako na magiging madali para sa kanya ang magsalita ng matatas na Tagalog. Kung si Fabio Ide na Brazilian-Japanese, natuto ng Pinoy language, si Ian pa kaya na Pilipinang-Pilipina ang madir?