Pinakinggan ko agad sa sasakyan ko ang self-titled CD album ni Anja Aguilar, ang bagong recording artist ng Viva Records.
Winner si Anja ng Little Big Star contest ng ABS-CBN noong 2006 at ngayon, contract star na siya ng Viva Entertainment, Inc. dahil nakita ni Boss Vic del Rosario ang potensiyal niya na maging sikat na entertainer.
Inilunsad kahapon ng Viva Records ang debut album ni Anja at na-realize ko na mahusay siya nang kantahin niya ang I Will Always Love You ni Whitney Houston.
Bumirit si Anja pero hindi nakakairita ang pagbirit niya dahil maganda ang hagod ng kanyang boses. Hindi siya tulad ng ibang female singer na malakas ang loob na bumirit kahit parang pinipitpit na yero ang kanilang boses.
Kakaiba ang boses ni Anja. Bukod sa pagkanta niya ng hit song ng natsuging singer, kinanta rin niya ang sariling cover ng I Love You, ang sikat na kanta ni Willie Revillame na ginamit na theme song sa television remake ng P.S. I Love You ng TV5.
Dahil newcomer si Anja, may mga nagsasabi na kamukha siya nina Rica Peralejo, Nina, at Maui Taylor.
May hawig ang boses ni Anja kay Sarah Geronimo kaya pinagbibintangan siya na ginagaya ang Pop Princess.
Idinenay ni Anja na ginagaya niya si Sarah pero ito ang isa sa kanyang mga idols sa pagkanta.
Matunog na ate ang tawag ni Anja kay Sarah at understandable ito dahil 19 years old lamang siya.
Sa totoo lang, isang bagay lang ang concern ko, ang spelling ng name ni Anja na Anya ang pronunciation pero may letter J ito ala-Anjanette Abayari.
Baka kasi ma-confuse ang mga tao sa pagbigkas ng pangalan ni Anja dahil sa unique spelling nito.
Defense lawyer ni Chief Justice Corona, very warm bumati
Ginanap ang album launching ni Anja sa isang restaurant sa Quezon City. Paakyat na ako sa second floor nang makita ko ang isang familiar figure, si Justice Serafin Cuevas.’Daay, na-excite ako nang ma-sight ko ang defense lawyer ni Chief Justice Renato Corona kaya may-i-greet ko siya na para bang matagal na kaming friends, friends na not in love ha?
In fairness, very warm si Justice Cuevas sa akin na naging dahilan para lalo akong humanga sa kanya.
Bahay na lilipatan nina Shalani at Roman hindi pa rin tapos
Na-move after Holy Week ang imbitasyon ni Shalani Soledad-Romulo na bumisita ako sa bahay nila ni Congressman Roman Romulo sa Pasig City.
Ngayong last week ng March ang original invitation ni Shalani pero hindi natuloy dahil busy pa yata sila sa improvement ng kanilang love nest.
Excited na ako na makita ang bahay nina Shalani at Papa Roman. Excited na rin ako na magsimula ang Game ‘N Go, ang noontime show ni Shalani sa TV5 na ilang ulit nang nade-delay ang pilot telecast. Sure naman na matutuloy ang Game ’N Go dahil ipina-plug na ito noon ng Kapatid Network.