Singer na nakabuntis kay Katrina hindi masaya

PIK: Trip to Singapore ang birthday gift kay Rocco Nacino ng kanyang mommy.

Aalis sila sa Holy Week para ma­kapagbakasyon siya roon ng ilang araw.

Buong pamilya silang aalis pero hindi kasama si Sheena Halili.

Kasama naman ni Sheena ang pamilya niya, kaya magkahiwalay muna silang sandali.

Kailangan lang ni Rocco ng ilang araw na pahinga dahil sa sunud-sunod na trabaho niya.

Ilang araw din siyang may sakit kaya natigil muna sandali ang training niya ng arnis para sa Lam-Ang na malapit na niyang simulan.

PAK: Mariing itinatanggi ni Prince Stefan ang pagkaka-link niya kay Toffee Calma dahil magkaibigan sila kaya nakikitang lumalabas silang magkasama.

“Kinaklaro ko po sa lahat na hindi totoo ang mga ibinibintang sa akin. Ang mga lalaking nai-involve ay mga kaibigan ko lang.

“Kaibigan ko si Toffee, kaya lang nai-involve sila sa akin dahil kaibigan ko sila. ’Yun nga lang kasi artista rin siya at artista rin ako natsitsismis kami,” paliwanag ng young star.

Pero aminado naman kasi si Toffee kung ano ang sexual preference niya kaya hindi maiwasang maiintriga silang dalawa.

“Dahil ganun na si Toffee hindi ko siya puwedeng maging friend? Unfair ’yun sa kanya,” patuloy ng aktor.

BOOM: Marami ang pumuri kay Katrina Halili pagkatapos niyang aminin ang kanyang pagbubuntis.

May mga ilang bumabatikos sa aktres pero karamihan ay mga pa­puri dahil pinanindigan nito ang kasalukuyan niyang kalagayan.

Ang hinihintay na lang ngayon ay ang mga pahayag naman ni Kris Lawrence na siyang nakabuntis sa kanya.

Magsasalita na rin si Kris ngayong linggo pero may mga ilang nakapansin na mukhang hindi naman masaya ang naturang singer sa pagkakaroon niya ng anak kay Katrina.

May isang aktor na nag-congratulate kay Kris nang magkasalubong sila pero mukhang hindi naman ito masaya.

Show comments