^

PSN Showbiz

Natipuhan pang dyowain: Female singer napagkamalang lalaki ng bading!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Grabe, certified tomboy daw talaga ang isang singer na sumisikat ngayon!

“Nagka-crush pa nga ako sa kanya noon dahil akala ko talaga lalaki siya,” simulang kuwento ng source ko habang panay ang tsika. “Kasi noon short-short ang hair niya, parang ganito lang sa akin (sabay turo ng bading sa hairstyle niya). Maputi kasi siya at katamtaman ang katawan, kaya type ko sana.”

Dagdag na kuwento pa ng bading, todo-todo ang pagkadismaya niya nang sabihin sa kanya ng kaibigan, kung saan nasa isang bar sila, na tomboyita pala ang natitipuhan niya at hindi lalaking puwedeng makapagpaligaya sa kanya.

“Nakakahinayang siya. Girl din ang dyowa niya,” may tonong pagkainis ng kaibigan kong bading na nagtatrabaho sa isang sikat na beauty salon.

So, tama pala talaga ang hula ng marami na hindi nga siya girl.

Sayang maganda pa naman siya. Sa kilos lang talaga nahahalata na kaya naman niya minsang itago.

Singer naging adik-adik nang hiwalayan ng bading na karelasyon 

Adik-adik na raw ang isang dating singer na nakarelasyon ng isang male host-actor noon.

“Nakaka-sad kasi siya ang nag-suffer sa naging relasyon nila ni male host-actor,” say ng isang source.

Nanghihinayang siya sa singer dahil promising ito pero nawalan ng direction ang career ng closet queen.

In fairness sa singer, minahal nito ang naging karelasyon pero nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagmamahalan. Awww. Ang cheesy. 

‘The Road’ maingay sa foreign media

Tuloy na tuloy na nga ang pagpapalabas sa US ng pelikula ni Yam Laranas na The Road sa darating na May 11.  In fact, umiingay na ito sa iba’t ibang magazines, news websites, at film blogs sa America.

Inulat ng Hollywood Reporter, Fangoria.com, AllHorror.net, bloody-disgusting.com, FlickDaily.com, PinoyTop, MediumRareTV, Yahoo! Movies, Variety.com, at marami pang iba ang sabay na paglabas ng The Road sa digital platforms sa mismong araw din ng release ng nasabing pelikula sa America. 

Ayon naman sa HollywoodWireTap.com, ang The Road ang kauna-unahang all-Filipino film na ire-release commercially sa mainstream market sa buong America.  Idinagdag pa nito na ang nasabing pelikula ay tinatagurian ng international horror press na isa sa mga pinakamagandang horror films ng taon.  

Inilarawan naman ng CityonFire.com ang The Road bilang “noted not only for delivering a terrifying experience, but also for its eerie atmosphere.” 

Ang The Road ay pinagbibidahan nina Rhian Ramos, Carmina Villarroel, Marvin Agustin, TJ Trinidad, tween stars Alden Richards, Barbie Forteza, Louise delos Reyes, Derrick Monasterio, Lexi Fernandez, Ynna Asistio, at Renz Valerio. Kasama rin sa nasabing pelikula sina John Regala, Lloyd Samartino, Gerald Madrid, Allan Paule, at Jaclyn Jose. 

Ipapalabas ang The Road sa 50 sinehan sa buong America simula May 11 sa pamamagitan ng isang distribution agreement sa pagitan ng GMA Films at international film distribution outfit na Freestyle Releasing. 

Magkakaroon din ng premiere night ang The Road sa darating na May 9. Bukod kay Laranas at sa mga producers ng pelikula, dadalo rin sa nasabing premiere night ang ilan sa mga cast members nito.

Kalahok ang The Road sa nalalapit na 30th Brussels International Fantastic Film Festival (BIFFF) na gaganapin mula April 5-17, 2012.  Ang BIFFF ang pinakamalaking genre festival sa Europe.

ALDEN RICHARDS

ALLAN PAULE

ANG THE ROAD

BARBIE FORTEZA

BRUSSELS INTERNATIONAL FANTASTIC FILM FESTIVAL

CARMINA VILLARROEL

DERRICK MONASTERIO

FREESTYLE RELEASING

ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with