Jessica nakaligtas sa elimination round, pasok sa Top 9

SEEN: Kinilig ang mga Pilipino sa pahayag ni American Idol Season 11 contestant Jessica Sanchez sa isang interview na paborito niya ang lumpia, pansit, at adobo.

Pasok na sa Idol Top 9 si Jessica. Nakaligtas sa elimination ang Pinay-Mexican noong Huwebes sa Amerika (Biyernes sa bansa).

 SCENE: May cameo role si Jennylyn Mercado sa Moron 5 and the Crying Lady bilang girlfriend ni Luis Manzano na hindi sumipot sa presscon ng pelikula dahil sa Cebu event na dinaluhan niya.

SEEN: Nag-sorry si Edu Manzano dahil sa kanyang maling tweet na nakita na namamasyal sa Greenhills Promenade noong Huwebes sina P-Noy at Grace Lee. Nagpasalamat din siya sa mga nag-suggest ng mga dahilan upang makalusot siya na tinanggihan niya dahil talagang mali ang impormasyon na kanyang ikinalat.

SCENE: May positive effect ang kuryente tweet ni Edu Manzano dahil nadagdagan ang bilang ng kanyang Twitter followers.

SEEN : Magsasayaw sa Party Pilipinas sa Linggo si Chef Boy Logro ng Kusina Master.

SCENE: Lumipas na ang interes ng mga tao sa eskandalo ng mag-asawang Jose at Anna Lyn Manalo.

Tama ang desisyon ni Jose na huwag i-dignify ang mga drama sa TV ng kanyang asawa.

SEEN: Si Daniel Matsunaga na lang ang hindi nagde-deny sa balita na umalis siya ng Pilipinas dahil sa mga pagbabanta na kanyang natatanggap.

Nag-deny na ang mga tao sa paligid ni Daniel pero may mga naniniwala na  totoo ang balita.

Show comments