Kahit may Gerald pa, bagong tambalan nina Sarah at John Lloyd inaabangan na

Nagsisimula na ang shooting ng reunion movie nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz. Ang Viva Films at ang Star Cinema ang mga producer ng third movie team up nina Sarah at John Lloyd.

Ngayon pa lang, marami na ang nag-aabang   sa pagtatambal ng dalawa at kabilang ako sa mga excited na naghihintay.

Suportado ko ang real-life love team nina Sarah at Gerald Anderson pero miss ko na ang nakaka­kilig na team up sa big screen nina Sarah at John Lloyd dahil subok na ang kanilang malakas na chemistry.

Rocco sinusuwerte

Ngayong gabi na pala ang Golden Screen Awards For Movies ng Entertainment Press Society.

Magaganap ang awards night ng EnPress sa Teatrino Greenhills. Nominated sa kategorya ng breakthrough performance by an actor si Rocco Nacino. Si Rocco ang inaasahan na mananalo dahil sa mahusay na acting niya sa Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.

Kapag nag-win si Rocco sa Golden Screen Movie Awards, puwede na talaga niyang i-claim na masuwerte ang kanyang 25th birthday dahil magaganda ang nangyayari sa career niya. Siya ang hinirang na best new movie actor ng Star Awards For Movies ng Philippine Movie Press Club. Siya ang gaganap na Lam-ang sa pelikula, maganda ang role niya sa The Good Daughter at masaya ang takbo ng kanyang love life.

Marian at Coco pinag-iisipan ng concept

Obvious na fan nina Marian Rivera at Coco Martin ang e-mail sender na si Kirt Suazon na isa sa mga avid readers ng PSN.

Muling nagpadala sa akin si Kirt ng e-mail dahil may mga suggestions siya sa Regal Entertainment, Inc. para sa movie project na pagsasamahan nina Marian at Coco.

Na-appreciate ko ang effort ni Kirt na magbigay ng suggestion pero naloka ako dahil may tema ng sex and violence ang kanyang idea. Kung ako kasi ang tatanungin, isang love story na mala-Hihintayin Kita sa Langit ang perfect project para kina Marian at Coco, hindi pelikula na nag-uumapaw sa sex and violence gaya ng suggestion ng dear reader ng PSN.

Narito ang kanyang sinulat:

Dear Ma’am Lolit,

Excited kami sa team up nina Marian at Coco at we heard ay naghahanap sila ng magandang concept, baka po makatulong itong concepts namin. Sana makarating sa Regal.

1. Stolen Moments or Ang Babae sa Guard House - Tungkol po sa isang bored na wife (p layed by Marian) na nagkaroon ng illicit affair sa isang sekyu (played by Coco) at sa loob ng guard house mangyayari ang kanilang maiiinit na eksena, doon sila magtatago until sa ending mabubuko ng husband at magkakaroon ng crime of passion.

2. Ang Babae sa Guard House - Puwede rin po itong gawing horror/suspense kung saan si Marian ay maaaring multo na lang at naghihiganti sa lahat ng mga sekyu na nang-rape at pumatay sa kanya until ma-meet niya si Coco.

3. Ang Burlesk Queen at ang Macho Dancer - tungkol sa buhay ng dalawang lumaki at nagtrabaho sa club, na-involve sa mga sugar daddy at sugar mommy, drugs at iba pang illegal na gawain ’til na-realize nilang gusto na nilang magbago ngunit ayaw bigyan ng chance ng mga taong nakapalibot sa kanila.

More power, Ms Lolit, sana po ay makarating ito sa Regal.

Katrina magpapaliwanag sa kanyang pagbubuntis

Ang hottest showbiz news ang matutunghayan ninyo ngayong hapon sa Startalk. Ang exclusive interview kay Katrina Halili tungkol sa kanyang pagbubuntis at ang pagbabalik sa Pilipinas ni Prince Stefan, isa sa mga controversial stars ng Starstruck na bibigyang-linaw ang mga malisyosong tsismis na may kinalaman sa kanyang personal na buhay.

Show comments