Dahil sa pakikipag-relasyon sa aktor na alaga ng kabilang network, aktres nawalan ng launching project

Hindi hinarang at tinutulan ng isang network ang pakikipagrelasyon ng isa nilang female talent sa male talent ng kabilang network dahil alam nilang mahirap pigilan ang puso.

Nag-suffer lang ang career ng aktres dahil bibig­yan na sana siya ng project at siya ang bida, pero nang malamang may karelasyon itong taga-kabilang istasyon, ibinalik sa pagiging supporting.

Mas masuwerte ang actor na nobyo ng actress dahil kahit nalamang taga-ibang network ang GF, tuloy pa rin ang pagbibigay ng good projects sa kanya. Wala rin namang maaapektuhang love team dahil walang ka-love team ang actor sa kinabibilangang network.

Ang request lang sa actor ‘wag silang madalas makikita sa labas ng GF na sinusunod naman nito. Hindi nga lang maiwasang lumabas sila minsan at hindi rin mapigil ang mga nakakakita sa kanila kung nakukunan sila ng picture together.

More than one year ng on ang dalawa and so far, nagwu-work ang relasyon nila kahit magkalaban ang kanilang mga network.

Kris at Alden, magbibida sa remake ng coffee prince

Pagtatambalin pala sina Kris Bernal at Alden Richards at kundi mapapalitan, sila ang magbibida sa Pinoy remake ng Korean rom-com na Coffee Prince. Kaya lang medyo matagal pa ito dahil tatapusin muna ang Hiram na Puso ni Kris at My Beloved si Alden.

Naalala namin, noon pa nabalitang gagawin ng GMA 7 ang Pinoy remake ng isa sa well-loved Koreanovela na ipinalabas sa istasyon at may mga nabanggit pa kung sino ang gaganap na Andi at Arthur.

May mga nag-petition na ibigay either kina Chynna Ortaleza, Ryza Cenon o Jennica Garcia ang role ni Andi at kay Dennis Trillo ang role ni Arthur, kaso, na-hold ang remake ng Coffee Prince, pero mukhang tuloy na ngayon.

Fabio tumutulong sa mga batang inabuso

Magkasama sa My Beloved sina Mikael Daez at Fabio Ide, pero hindi magkikita ang kanilang karakter at ayaw ng una na magkita ang karakter nila ng huli dahil ang ibig sabihin daw noon, mawawala na siya sa soap.

Light ang taping schedule ni Fabio sa My Belo­ved, kaya may time siya sa Caridade, ang foundation na itinayo nila kasama ang three Brazilian friends at two Filipino friends na tumutulong sa mga sexually abused children, mga hindi nakapag-aral at mga nagugutom.

Sa mga gagawing fashion shows, soccer game at mga naiisip na iba pang event nila kukunin ang pera na gagamitin para sa Caridade.

Nagulat pala si Fabio kung paano namin nalamang ang name ng girl na dini-date niya at natawa na lang nang malamang sa Twitter namin nadiskubreng si Ces Olondriz, assistant director ng Esquire Magazine ang special someone niya ngayon.

“But she’s not my GF yet, we’re on the stage of getting to know each other more, but I’m happy at the moment. I like her, she’s beautiful, smart, at sob­rang talino,” masayang sabi ni Fabio

Show comments