Next American Idol na? Idol judges pinabilib na naman ni Jessica Sanchez

SEEN: Standing ovation ang ibinigay kay Jessica Sanchez ng American Idol judges dahil sa kanyang flawless rendition ng Everybody Has A Dream. Nakabawi si Jessica mula sa kanyang performance noong nakaraang Miyerkules na hindi gaanong nagustuhan nina Jennifer Lopez, Steve Tyler, at Randy Jackson.

Si Jessica lang ang nakatanggap ng standing ovation mula sa judges sa March 21 episode ng American Idol 2012.

SCENE: Mananatili bilang Vice President at Head of the Department ng GMA Artist Center si Ida Henares dahil effective hanggang sa July 15, 2012 ang kanyang resignation. Wala pang ipinapalit sa posisyon ni Ida ngunit may committee ang GMAAC na pinamumunuan nina Mr. Jimmy Duavit at Ms. Annette Abrogar.

SEEN: Umaasa ang boxing coach na si Freddie Roach na itutuloy ni Congressman Manny Pacquiao ang paglaban kay Floyd Mayweather, Jr., bago magretiro sa boksing ang Pambansang Kamao.

SCENE: Malakas ang impluwensiya ni Congressman Manny Pacquiao sa kanyang asawa dahil mga Bible verse na rin ang bukambibig ni Jinkee.

SEEN: Ang Dora The Explorer inspired look ni Eugene Domingo sa 6th Asian Film Awards.

SCENE: Malinaw na mapapanood sa Youtube (http://www.youtube.com/watch?v=_DZ5n2qZP1g&feature=youtube_gdata_player) ang wacky acceptance speech ni Eugene Domingo sa Asian Film Awards, kasama ang Cantonese superstar na si Andy Lau.

SCENE: Ang admission ni Robin Padilla na hindi pa sila in good terms ni Rustom Padilla mula nang piliin nito na maging BB Gandanghari pero si Robin ang may idea na dapat mauna ang TV interview ni BB sa kanyang misis na si Mariel Rodriguez at nangyari ito noong Sabado sa Paparazzi.

SEEN: Magpapalit ng timeslot ang My Beloved at Legacy. Itatapat ang My Beloved sa Dahil sa Pag-ibig.

Show comments