^

PSN Showbiz

Career ni Julie Anne pabongga!

-

MANILA, Philippines - Bonggang-bongga na ang career ni Julie Anne San Jose. Excited na sa kanyang kauna-unahang solo album ang Kapuso pop star at Internet musical sensation.

Pagkatapos pumirma ng kontrata si Julie Anne sa GMA Records, ang recording at digital media arm ng GMA Network, agad ding sinimulan ang pagbuo sa kanyang unang solo album na ilalabas sa kalagitnaan ng taon.

Tuluy-tuloy na ang singing career ng dalaga matapos sumikat ang kanyang video sa YouTube (may 14 million views) na kinanta niya ang acoustic version ng Super Bass ni Nicki Minaj, napatunayan niyang napakalaki ng kanyang potential na makilala hindi lang sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa. Pero 2005 nang maging opisyal na singer si Julie Anne dahil sa teenage singing group na Super Pop. At nang mabuwag ang grupo, ni-launch na ang dalaga bilang solo na inaalagaan ng GMA Artist Center.

Napapanood every Sunday sa musical variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas si Julie Anne at patok na patok siya sa mga young fans. Tinitilian ang love team nila ni Elmo Magalona kaya pinagsama na sila sa pelikulang Just One Summer ng GMA Films na malapit nang matapos.

ARTIST CENTER

BONGGANG

ELMO MAGALONA

JULIE ANNE

JULIE ANNE SAN JOSE

JUST ONE SUMMER

NICKI MINAJ

PARTY PILIPINAS

SUPER BASS

SUPER POP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with