Puring-puri si Gwen Zamora ng mga co-stars at director ng kauna-unahan niyang international film na The Witness na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa Metro Manila simula bukas, Miyerkules.
Sa presscon kahapon, kasama ni Gwen ang mga co-actors niya sa pelikula na galing pa ng Indonesia na humarap sa press — Agung Saga (Aris), Kimberly Ryder (Safara), si Muhammad Yusuf ang director and Sarjorno Sutrisno, executive producer. Ang nasabing pelikula ay produced ng Skylar Pictures at GMA Films.
Dahil maganda ang kinalabasan ng kanilang unang pelikula, sinabi ni Direk Muhammad, na marami pa silang naka-line up na gagawin ng ka-partner nila ang GMA Films na ang susunod ay pagbibidahan ni Rhian Ramos.
Pero hindi nag-aalala ang mga mga produ na Indonesians sa The Witness na mas maunang ipalabas sa bansa na Pinay ang bida sa kanilang pelikula.
Kilalang mahihilig sa mga nakakatakot na movie ang Indonesians kaya alam nilang malakas ito oras na ipalabas na ito sa kanilang bansa na 270 million pala ang population.
Aktibo rin sa kanila ang movie industry at mahigit 100 movies ang nagagawa nila taun-taon.
Anyway, gagampanan ni Gwen ang karakter ni Angel Fordeliza Isagani, isang general manager ng isang hotel. Mula sa Maynila, maa-assign siya sa Jakarta, Indonesia at doon mag-uumpisa ang kanyang kalbaryo. Mga pana-ginip na tungkol sa isang batang lalaki na nagngangalang Aris ang patuloy na babagabag sa kanya.
Matutuklasan niya na ang lalaking ito ay kinitil ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagputok ng baril sa kanyang bibig.
Sino si Aris sa buhay ni Angel?
Exciting ang trailer kaya inaasahan dadagsain ito sa mga sinehan bukas.
Mega palaban!
Palaban to the highest level si Megastar Sharon Cuneta sa bashers.
Wala siyang planong tigilan ang mga naninira sa kanyang sa Twitter.
“Since you won’t stop bashing me and my daughter and it’s all the same to you -- maybe it’s time I talk and tell the whole REAL story. Okay? Tutal pareho lang eh. Tahimik kami bash kayo ng bash. Eh di kami naman kaya!
“Bashers we know whose side you’re with. Ingat lang. Tahimik lang ako, huwag nyong patirin pasensya ko baka magpapresscon pa ako niyan. Tama na. Move on na kasi. Life’s too short,” sagot niya sa kanyang Twitter account kahapon.
Samantala, nabanggit din ni Mega na muntik nang ma-hack ang account niya. “Someone was trying to hack my twitter account at 5:53 am today, according to twitter. Haaayyy..... And life was so much simpler before all this!”
Hindi rin uso kay Mega ang 140 characters rule. Ang haba niya actually mag-tweet.
Eh kung tantanan kaya ni Ms. Sharon ang mag-tweet?
Anyway, walang basagan ng trip. Type niya ’yan.