Sayang at nagkakasya na lang si Borgy Manatoc na sama-samahan ang kanyang inang si Imee Marcos sa mga functions nito ngayon kabilang na ang showbiz.
Sayang sabi ko dahil kung ginusto lamang ng modelong anak ng gobernadora ng Ilocos Norte ay puwede sana itong magbida sa kahit isa man lamang sa pino-prodyus nitong movie. Pero wala, talagang ayaw mag-artista ng guwapong apo ni Marcos. Kahit sabihin pang indie movie ang pinagtutuunan ngayon ng pansin ng kanyang ina, ang Pinta*kasi na pinaghalong art at film at ipinalabas sa mga sinehan kamakailan lamang. Sikat ang gumaganap na bida na si John Wayne Sace. Sikat na rin ang mga gumaganap dito na sina JM de Guzman at Erich Gonzales. Borgy could have played the role na ginampanan ni John Wayne o maski na ni JM but I guess, the latter was destined to make it bilang artista.
Hindi dahil walang ginagawa si Borgy kundi ang samahan ang kanyang ina. Napakaraming inaasikaso nito na may kinalaman sa kanyang pagmomodelo at negosyo.
Ngayon ay walang araw na hindi siya kasama ng kanyang ina. Kalulunsad lamang nila ng tourism campaign ng kanilang probinsiya, ang “Paoay Kumakaway,” na meron ng TV commercial. Muli, naalala ng gobernadora na imbitahin ang mga kaibigan niyang entertainment media para hingan ng suporta para sa pagpapalaganap ng nasabing kampanya at ang mga gaganaping festivals gaya ng Harvest Festival, Sandunes Festival, at Tadek Festival. Magdaraos din ng isang filmfest ng mga pelikulang ginawa sa Ilocos Norte gaya ng Panday, Temptation Island, Himala, at mga Hollywood films na Mad Max 2 at Bourne on the Fourth of July.
Kris magbabago na ng ugali
Wala pa akong nakukuhang sagot sa aking katanungan na kung puwedeng kontrolin ng puso, na inilipat lamang sa katawan ng isang malapit nang mamatay, ang isipan o utak ng isang tao. Sa serye kasi ng GMA-7 na Hiram na Puso, ang karakter ni Kris Bernal na nabiyayaan ng isang heart transplant mula sa namatay na si Angeline (Krystal Reyes) ay mas nananaig ang personalidad ng nagmamay-ari ng puso kesa sa pinalipatan nito.
Ito ba ang karma ni Zeny (Gina Alajar) sa ginawa niyang pagpapaliban ng pagbibigay ng lunas sa naaksidenteng si Angeline dahil nagkainteres siya sa puso nito?
Ngayong hapon magsisimula nang makita kay Lira (Kris) ang katauhan ni Angeline (Krystal). Magbibigay ng selos kay Zeny (Gina) ang simula ng pagiging malapit ng kanyang anak kay Roxanne (Ayen Laurel) na ina ng may-ari ng puso nito. Pero ang boyfriend ng namatay, si Prince (Mark Herras), ay wala pa ring mararamdaman para kay Lira.
At ang karakter ni Bela Padilla ay bigo pa rin na makamit ang pagmamahal ng kanyang ina na sa buhay at kamatayan ni Angeline ay ito pa rin ang mahal.