Sabi ko na nga ba at papatok ang Corazon: Ang Unang Aswang. ’Yun ngang hindi talagang nakakatakot ay pinagkakatakutan, ’yun pa kayang ang sitwasyon ay nakakatakot na ang hindi.
Suwerte ni Erich Gonzales dahil nadala siya ng kasikatan ni Derek Ramsay sa box office, but in fairness to Erich naman, ang galing niya sa movie. At maganda ’yung mga love scenes nila.
Maganda ang nagawa ng director, hindi pilit. Maraming manonood ang nainggit.
BB, Carmina, at Zoren wala nang rason na magkaharap-harap
Feeling ko, hindi na dapat pagharapin pa sina BB Gandanghari at sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel. Maiintindihan naman siguro ng mga network nila kung bakit hindi nila ito gagawin. Meron na kasing mga lumalabas na isyu na makakatulong nga sa mga networks nina Zoren at Carmina pero magpapalala lamang sa nagsisimulang intriga at kontrobersiya sa tatlo. Kaya para sa ikatatahimik ng lahat. Mag-iwasan na lang sila.
Star Awards mina-malisya
Bakit ang dami-dami kong naririnig sa naging resulta ng Star Awards For Movies, eh maganda naman ang napili nitong winner?
May narinig lang akong isyu tungkol kina Angel Locsin at Maja Salvador na may karapatan naman ang mga members na palitan ang unang isinulat nila sa balota, depende sa napagtalunan nila o napag-usapan sa deliberation. ’Yun lang. Huwag nang lagyan ng malisya ang isang bagay na wala namang problema at hinahanapan lamang ng isyu para malagyan ng intriga.