Marian at Coco, wala nang urungan!

Tuloy na ang pelikulang pagtatambalan nina Marian Rivera at Coco Martin sa Regal Entertainment dahil pumirma na ng kontrata ang actor kasama ang manager niyang Biboy Arboleda. Naganap ang contract signing sa Edsa Shangri-La Plaza Hotel. Present din si Marian para i-welcome si Coco at sinamahan siya ng manager niyang si Popoy Caritativo. Nasa contract signing din si direk Maryo J. delos Reyes.

Walang naging problema sa paggawa ng movie ni Coco sa Regal dahil may one option siya to do a movie outside Star Cinema. Hiningi raw nitong si Marian ang makasama sa pelikulang gagawin sa labas ng Star Cinema.

singer-actress nasasaktan pa rin ’pag nalalamang nagbabakasyon ang ex kasama ang current dyowa

Pinipilit mag-move on ng dyowa ng singer-actress after their break-up, pero nasasaktan pa rin ito ’pag nababalitaang ang bagong inspiration ng ex ang laging kasama pati sa pagbabakasyon. Dati rin nilang ginagawa ng ex ang ginagawa nito sa bagong “nililigawan” o dyowa na?

In fairness, umiiwas sa press ang ex ng singer-actress para hindi matanong sa real score ng break-up nila after ilang years ng pagiging live-in couple. Masusubukan ang husay niyang umiwas sa press sa isang event, kung saan kailangan ang presence niya dahil ipapakilala sa press ang kanyang alaga.

Yes, para mas madaling makalimot, nagma-manage na rin ng talent ang ex ng singer-actress. Iniha­handa na rin nito ang sarili na magkita sila ng ex dahil parehong showbiz ang kanilang ginagawalan.

Sigalot sa pamilya, malala na nga Sharon sinagot na ang mga pasaring ng kanyang Tita Helen

Nabasa namin ang isa sa latest tweet ni Sharon. Sabi nito: “My prayer is since nailabas ko na rin ang niloloob ko, sana ‘di na magtagal ang hidwaang pamilya. Sana malagpasan namin ang pagsubok na ito na nakakahiya man, napa-publiko pa. For now, just like yesterday and the other day, I am so fine & at peace because my conscience is clear & God knows the truth. I didn’t start this.”

 May tweet din siya kay Ciara Sotto na “Sa interview ni Mama mo, nakalimutan niya yata tumulong ako noong 2010” at “Eto pa sis, paalala lang, masakit ‘yung nakalimutan ako.” Kasunod nito ang pagpo-post niya ng TV ad campaign niya endorsing Sen. Tito Sotto sa 2010 election.

Anyway, sa Twitter din nilinaw ni Sharon na hindi siya ang host ng Kanta Pilipinas  gaya nang nabalita dahil ang daily talk show niyang Sharon Kasama Mo pa lang ang  kumpirmadong show niya sa TV5. Kaya lang, parang mauurong na naman ang pilot nito dahil sabi ni Sharon, pinaghahandaan at pinagaganda ng husto ng network.

Show comments