Geneva at KC nag-file na ng divorce

’Kakatuwa naman sina Geneva Cruz at KC Montero. Inamin nilang mahal pa nila ang isa’t isa pero nag-file na sila ng divorce sa US where they got married. Ginawa nila ito para mapanatili pa ang friendship nila. Kung hindi, they’re afraid na baka maging magkaaway na sila.

Geneva said that she will always be grateful to KC for taking care of her and her son Heaven na itinuring na ring anak ng radio and TV personality.

Anne nagpapaka-humble pa rin

Isang napakagandang ugali ni Anne Curtis na dala-dala niya hanggang ngayong sikat na sikat na siya ay ang kanyang pagiging humble. Hindi siya mayabang gayung marami naman siyang maipagmamalaki. Hindi lamang siya isang matagumpay na product endorser. Box-office hit pa ang mga pelikula niya, pinanonood ang mga palabas niya sa TV, at kung saan na-build up at nakita ng lahat ang kanyang potensiyal na maging isang singer. Hindi nagkamali ang Viva na pagawan siya ng album na bumenta agad at nagpa-concert pa.

And it made her equally proud that she was a strong contender for best actress although she admits na magaling ang napiling winner na si Angel Locsin. Nangako siya na pagbubutihin pa ang pag-arte niya dahil gusto rin niyang magka-award pa.

Show comments