Sikat na aktor,dyowang may foreign blood ang karay-karay sa abroad

MANILA, Philippines - Hindi pala nagdadala ang isang sikat na aktor ng assistant o alalay kapag bumibiyahe ito sa ibang bansa upang mag-show kasi naman ang boyfriend niyang may foreign blood ang lagi nitong karay-karay.

Eh bentahe para sa producer ’yon dahil foreign passport ang dala ng dyowa kaya naman sa pagkuha ng working permit, less gastos. Hindi na kailangang mag-secure ng boyfriend/assistant ng working permit dahil sa pasaporte nito.

Hindi na naman kasi itinatago ng aktor sa mga co-stars na kasama ang pagkatao niya. Pati pagtili-tili ng aktor, kering-keri na nila. After all, never naman kasi silang tinalo o ’di kaya’y nilaswa-laswa ng aktor.

Guwapo at minsang nag-artista na rin ang assistant sa abroad ng aktor. Pero gaya rin ng aktor, verde rin ang dugo nito at hindi bunyagang pagiging bading!

Male celeb panay ang himas  sa legs ng GF tuwing magkasama sa mga okasyon

Legs daw ng babae ang weakness ng isang sikat na male celebrity. ’Yun ang madalas himas-himasin ng celeb kapag kasama niya ang kanyang girlfriend na celebrity din.

Hindi pa lantaram ang relasyon ng dalawang celebrity pero kapag nagta­tabi sila sa isang okasyon, ang legs ng babae ang hinihimas-himas ng lalaki. Hindi naman umaangal ang babae na obviously ay type rin ang paghihimas na ginagawa sa kanya.

Sa mga babaeng nagkaroon ng kaugnayan sa male celeb, pansinin na makikinis ang mga legs nilang lahat, huh!

Network na may alam sa kalagayan umiiwas na rin

Beteranang aktres  na may tuliling  kung sinu-sino ang dinidikitan, nakikitira rin kung saan-saan

Meron palang umampon sa isang beteranang aktres na nabalitang may tililing sa ulo. Gayun man, pakalat-kalat pa rin siya at kapag may nakikilala, agad itong dinidikitan upang hingan ng tulong.

Minsan nga ay may naka-tsikahang barangay official ang nalaos nang aktres. Aba, nang sumunod na araw, naki­tira na ito sa bahay nila!

Eh gustuhin mang tulungan ng opisyal ang dating aktres, iniwasan na niya ito dahil sa kakulitan na dumarating sa puntong sinasayaran ng topak sa ulo!

Ang pagkakaroon ng sayad sa ulo ay siyang dahilan marahil upang ang network na nakaalam sa nangyari sa kanya ay umiiwas na bigyan siya ng comeback role sa telebisyon.

Aktor na may ibang  propesyon, tatlong oras  magbabad sa CR

Naku, ang isang aktor na may ibang propesyon ay naobserbahan ng ilang kasamahan na napakatagal sa comfort room, as in inaabot ng tatlong oras!

Ang duda nila, may ginagawa itong milagro sa loob ng cubicle para hindi makita ng ilang kapwa nagsi-CR. ang aktor na may ibang propesyon. Astig ang dating niya at talagang dating may bisyo. Kaya hindi malayong tumitikim-tikim pa rin siya hanggang ngayon.

Nahuli ng over speeding Komedyante hindi namukhaan ng traffic enforcer, nang mag-make up at nag-kilay lang saka naniwala

Nahuli ng traffic enforcer ang isang executive ng network dahil sa kasamang young actor na hindi naka-seatbelt. Papunta ang dalawa sa isang showbiz event nang patigilin ang kotseng minamaneho ng executive.

Mabuti na lang at nakilala ng traffic enforcer ang young actor. Kaya naman nakalibre sa violation ang executive dahil nagpa-picture na lang ang enforcer sa young actor bilang kapalit ng ticket!

Naalala tuloy namin ang kuwento tungkol sa isang komedyante nang pinagmadali ang driver para makarating agad sa TV show na kinabibilangan niya. Eh sa sobrang bilis, hayun at over speeding na ang ginawa ng dribam.

Kaso nakita ng pulis ang mabilis na pagmamaneho ng driver. Pinatigil ang sasakyan at nang sabihin ng driver kung sino ang sakay niya, pinalabas niya ang komedyante. Eh hindi nakilala ng pulis ang komedyante dahil wala pa itong mag-makeup at hindi pa nakakapagpalagay ng kilay.

So, kumuha ng eyebrow at naglagay ng foundation ang komedyante. Then, nagpakita uli siya sa pulis! Presto!

Nakilala na ng pulis na totoong ang komedyante ang sakay ng van kaya hindi na sila inabala pa!

Baguhang aktor ipinasilip ang maitim na ibaba ng kargada

 Guwapo at may maamong mukha ang baguhang aktor na may gay indie film na ipalalabas. Matapang din sa hubaran dahil pictorial pa lang, pumayag na itong mag-pictorial nang naka-brief lang. Hindi nga lang maayos ang pagsusuot nito ng brief kaya hindi maaninag ang kanyang sandata.

Pero meron pa palang pictorial ang baguhang artista. This time, hubad na siya at kita ang bahagi ng kanyang “notes” except ’yung dulo. ’Yun nga lang, tiyak na may mati-turn off sa nasilip na kargada niya!

Kasi naman, maitim ang bandang ibaba ng kargada ng aktor gaya ng kutis niya. Baka ganoon din ang dulo kaya itinatago niya.

Male celebrity nanakot para i-post lahat ang hindi magagandang tsismis tungkol sa female celeb

Nakilala ang isang blog site dahil sa mga kontrobersiyal niyang pino-post na showbiz items. Ang site ng blogger ang madalas tapunan ng mga showbiz tsismis ng isang kilalang celebrity.

Takang-taka nga ang isang female celeb dahil sa site ng blogger lumalabas ang mga hindi magandang tsismis sa kanya. Eh ginawang pag-iimbestiga ng female celeb, nalaman niyang sa male celeb galing ang maling tsismis.

Nalaman ng female celeb na tinatakot pala ng male celeb ang blogger na may mang­yayaring hindi maganda sa pamilya kapag hindi niya pinoste ang showbiz items na sinasabi sa kanya. Dahil sa takot, hayun at sunud-sunuran ang blogger sa utos ni male celebrity!

Magaling na aktres at promising actor na lumipat ng network hindi rin naman mga naging bida

Natatawa ang ilang showbiz observers sa kinasadlakan ng career ng isang promising actor sa ibang network kasi naman matapos bigyan ng magandang welcome sa network, isinama nga siya star-studded series pero suporta sa bida ang kinabagsakan niya!

Ganyan din ang obserbasyon ng ilan sa panimulang sabak ng magaling na aktres na lumipat din ng network. Lumabas itong guest lang sa isang programang pinasukan eh very promising pa naman ang pag-build up sa kanya ng iniwang network.

sundan sa pahina 79

Show comments