MANILA, Philippines - Naloka ang isang reporter nang ini-interview nila ang isang kilalang young actress dahil may nakita itong tumutulo mula sa tenga ng dalaga.
Hindi makapaniwala ang reporter nang makita niya dahil napakaganda pa naman at ang linis-linis tingnan nitong young actress, pero may luga pala. ’Kaloka! Sumingit nang magka-problema ang mag-asawa
Magaling na aktor binantaan ang rakistang pumupOrma sa kanyang misis
Nataranta ang isang kilalang rakista nang nakatanggap ito ng text mula sa isang kilala at magaling na aktor na tipong may pagbabanta. Ang dahilan, kinakalantari pala ni rock singer ang asawa ni kilala at magaling na aktor.
Nagkaroon kasi ng konting problema ang mag-asawa at nang nalaman nitong rakista, biglang pumorma sa magandang asawa ni aktor. Nakarating siyempre kay aktor, kaya galit na galit ito at may pagbabantang nag-text ito kay rakista.
Female TV host pinagbigyan ang bantang pagre-resign, kaibigang host nagbanta ring lalayasan ang show hindi naman itinutuloy
Talagang best friends nga itong dalawang TV host na ito dahil pareho silang inirereklamo ngayon ng staff nila. Magkaiba sila ng show na pareho ng format pero pareho silang ubod ng reklamadora. Si female TV host A ay merong isang medyo may kaguluhan na show. Laging may problema sila sa taping dahil kung anu-ano ang isyung pinapalaki nito. Minsan ay nag-walk out ito sa isang taping dahil sa meron lang siyang hindi nagustuhan sa ginawa ng ilang staff nila. Kapag hindi naaksiyunan ang inirereklamo nito, walkout agad siya.
Hanggang sa pinagbigyan ang banta nitong magri-resign siya. Ayun natuluyan siyang nag-resign.
Ang best friend naman ni female TV host A na si Male TV Host B ay ganun din ang attitude kapag nasa show. Meron lang hindi nasunod na gusto niyang mangyari sa pagtalakay ng isang show, kaagad na nagmumura ito at kung anu-anong pang-aalipusta ang sinasabi sa mga staff.
Okay na sana pagkatapos nilang mag-meeting pero hindi pa rin napanatag si Male TV host, kung anu-anong reklamo ang sinasabi nito. Meron pa siyang pagbabantang magwo-walk out pero hindi naman niya tinutuloy. Hanggang sa nakarating na sa mga big bosses, pinagharap sila at doon inilabas ang mga hinaing nila kay Male TV host.
Gusto pa namang magpakasal na sila Young actress nawawalan na ng gana sa karelasyong aktor
Totoo kayang medyo tinatabangan na si young actress sa karelasyon nitong isang kilalang aktor? Nakikiusap na si young actress sa kanyang manager na bigyan na sana siya ng regular na trabaho na magti-taping ng araw-araw para hindi lagi silang magkikita ni aktor.
Kaya lang, mukhang sobrang na-in love na si aktor kay young actress at gusto na nga niya itong pakasalan. Natatakot ang nanay ni young actress at baka ma-bore ang anak niya kapag pumayag na itong magpakasal kay kilalang aktor.
Actor-politician na chick boy lalaki na ang gusto ngayon, sa abroad gumagawa ng milagro!
Parang ayaw namin maniwala sa nasagap naming kuwento tungkol sa isang kilalang actor/politician na pinagdududahan na ang kasarian.
Ilang tao na ang nakausap namin na nagsasabing ang kapareho na niya ang type kahit may asawa’t anak na ito.
Dati pa naman ay nali-link na ito sa ilang kilalang aktres, kaya chick boy na chick boy ang dating nito.
Pero ngayon ay sa boys na siya nali-link na nagaganap ang ginagawang milagro sa ibang bansa, hindi sa atin.