MANILA, Philippines - Nagsilbing storyteller ang aktor na si Diether Ocampo sa 30 bata sa Holy Cross Parish sa Delpan, Makati noong March 3 para sa TLC (Teaching Learning Caring) clinic at classroom on-wheels project ng DZMM. Isinalaysay ni Diether ang kuwentong Ay! May Bukbok ang Ngipin ni Ani! ni Luis P. Gatmaitan, M.D. sa mga bata sa TLC mobile library at aktibong sumagot sa mga tanong ng mga bata pagkatapos nito. Bukod pa rito, naghatid din ang DZMM TLC at ang mga partner nito ng iba’t ibang serbisyong medikal sa higit 900 pasyente, nagpakain ng 800 katao, at namigay ng libreng reading glasses sa 150 residente sa lugar.