Isa sa pinaka-sexy sa Magnum event si Maxene Magalona in her white gown at dahil mahaba ang slit ng opening ng dress sa harapan, kitang wala itong bra. First time yatang nagsuot ng ganun ang aktres at dahil break na sila ni Neil Arce. May nag-comment tuloy na kaya pala panay ang banggit ng dalaga sa Twitter ng Magnum ice cream dahil break na sila ng owner ng Arce Dairy.
Hindi inamin ni Maxene na break na sila ng ex, nahalata na lang ng followers niya sa Twitter dahil in the past few weeks, never niyang nabanggit ang name ng ex. Absent din siya sa birthday party nito noong isang gabi gayung present ang buo nilang barkada.
Nangyari na rin ito nang mag-break sina Maxene at JC Tiuseco, bilang hindi na nito nababanggit si JC sa kanyang mga tweets. Ngayong break na sina Maxene at Neil, puwede na kayang magsama uli sina Maxene at JC?
Young actress may lihim na kaaway
Hindi namin alam kung sa young actress (YA) o sa director ng soap ni YA may galit ang nagpadala ng message na hindi nagpakilala tungkol sa laging late na pagre-report sa taping ng soap na bida si YA. Parehong hindi maganda sa director at kay YA ang message.
Ayon sa text message, hindi na raw nakatiis ang director dahil late na namang dumating si YA, kinagalitan ito sa harap ng co-stars. Hindi na raw marunong umarte, nali-late pa at may iba pa raw sinabi ang director.
Parang hindi namin ma-picture ang director na hihiyain ng ganun ang artista niya sa harap ng mga kasama. Wala pa rin kaming nabalitaang sobrang nali-late si YA sa kanyang mga appointment. Kanino kaya may galit si text message sender?
Lovi nadagdagan ang award
May panibagong acting award si Lovi Poe dahil napanalunan ang best supporting actress award sa PMPC para sa pelikulang Yesterday Today Tomorrow.
Samantala, sa April na pala sisimulan ng Regal Entertainment ang shooting ng Love Affair, ang pelikulang pagtatambalan nina Lovi at Enrique Gil sa direction ni Alvin Yapan, director ng indie film na Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa. Ang pelikula at si Direk Alvin ang nagpapanalo kay Rocco Nacino ng Best New Male Actor of the Year sa Star Awards, magawa kaya nito ito kay Enrique?
Jake Vargas parang si Hero Angeles na ang hitsura
‘Katuwa ang comment ng isang moviegoer na ang tawa ni Bea Binene sa My Kontrabida Girl ay pareho sa bungisngis niya sa Alice Bungisngis. May nag-comment din na kamukha ni Hero Angeles si Jake Vargas pati sa hair!
In fairness, ang daming kinikilig tuwing naglalapit ang mga karakter nina Bea at Jake sa My Kontrabida Girl at swak sa kanila ang kanilang role. Pero kay Chariz Solomon sobrang natutuwa at natatawa ang tao, nag-adlib kaya ang hitad o sunod sa script at kay Direk Jade Castro ang mga hirit?
Busy na pala si Chariz sa paghahanda sa December 12, 2012 wedding nila ng fiance niyang si Nestor Ng sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Light sa may MOA. Hindi raw siya titigil sa showbiz dahil sayang ang kikitain!