^

PSN Showbiz

KC walang alam na ilang taon nang 'di nag-uusap sina Sharon at Helen!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Dalawa ang tie winners ng Star Awards For Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap sa Meralco Theater kamakalawa ng gabi.

Nag-tie sina Baron Geisler at Jake Cuenca sa kategoryang best supporting actor.

Tie rin sa best actor sina Aga Muhlach at Gov. Jorge Estregan, Jr.

Ang pelikulang Thelma ni Maja Salvador ang nanalong best digital movie of the year at ito rin ang nakakuha ng maraming awards.

Ganundin ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story na nakakuha rin ng pinakamaraming awards.

PAK : Nagulat si KC Concepcion nang hiningan ito ng reaksiyon tungkol sa hidwaan nina Sharon Cuneta at Helen Gamboa.

Pinag-uusapan ngayon ang kanilang hidwaan dahil sa pulitika. Aminado silang ilang taon na silang ’di nag-uusap dahil sa mga hindi pagkakaunawaan sa pulitika.

Walang ideya si KC tungkol dun, kaya hindi ito nagbigay ng komento.

BOOM : Nilinaw naman ni Angel Locsin na hindi naman siya galit kay Arnold Clavio dahil sa mga binitiwang panlalait sa Philippine Azkals.

Ipinagtanggol lang naman niya ang mga kakilala niya sa naturang football team dahil hindi naman lahat bastos lalo na’t kinukuwestiyon ang kanilang pagiging Pinoy.          

Understandable ang reaksiyon ni Angel dahil kay Phil Younghusband na kasintahan nito.

Ayaw na lang ni Angel magpaka-nega pa dahil masayang-masaya ito at marami siyang dapat ipagpasalamat sa pagkapanalo niya bilang best actress sa Star Awards For Movies.

AGA MUHLACH

ANGEL LOCSIN

ARNOLD CLAVIO

ASIONG SALONGA STORY

BARON GEISLER

HELEN GAMBOA

JAKE CUENCA

JORGE ESTREGAN

STAR AWARDS FOR MOVIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with