Billy at Nikki hiwalay na?!

PIK : Kahapon lang ini-launch ni Ogie Alcasid ang bagong proyekto nilang OPM2Go na kung saan meron na silang website na OPM2Go.com na puwedeng mag-download ng mga original Pilipino music sa Internet.

Aminado si Ogie na mahina na ang bentahan ng CD sa mga record bars kaya magandang ideya itong online music store para sa mga Pinoy artists.

Halos lahat ng mga awitin ay nasa site na ito na mapadali ang pagbili ng mga original Pinoy music sa murang halaga.

PAK : Napag-usapan kamakailan lang na break na sina Maxene Magalona at ang non-showbiz boyfriend niyang si Neil Arce.

Ang latest na narinig namin ay break na rin sina Billy Crawford at Nikki Gil.

Hindi pa namin nakukumpirma sa kanila kung totoo nga ba ito.

BOOM : Tumaas daw ang blood pressure ng asawa ni Jose Manalo na si Anna Lyn kaya hindi ito nakadalo kahapon sa  hearing ng kasong Rep. Act 9262 or Anti-Violence Against Women and Children.

Ginanap ang preliminary hearing sa San Juan Prosecutor’s Office na dapat ay magsa-submit na si Jose ng counter-affidavit sa kasong isinampa ni Anna Lyn.

Pero wala rin si Jose at pina-reset ito ng kanyang abogado dahil hindi pa sila handa.

Sa March 26 sila babalik sa piskalya para i-submit ni Jose ang kanyang counter-affidavit.

Kaya dapat na dumalo rin si Jose at si Anna Lyn. ’Yun ang inaabangang pagtatagpo nilang dalawa.

Show comments