Matapos ibuking na matayog at hindi na maabot, Mga 'kalaban' ni Sharon nadagdagan

SEEN : Dumami ang mga Twitter bashers ni Sharon Cuneta dahil sa mga pahayag kahapon kay Ricky Lo ng kanyang Tita Helen Gamboa.

Damaging kay Sharon ang statement ni Helen na “Siguro ’pag masyadong yumayaman ang isang tao nag-iiba. Nakakalimutan ang kanyang roots” at  “I feel that it is not right na ang pamangkin ko ay masyadong matayog. I could feel that she’s so unreachable. Hindi ko na siya maabot.”

SCENE : Ang tweet ni Sharon Cuneta na tila may kinalaman sa hurting words ni Helen Gamboa: “God sees. God knows. I am at peace because I know these. I am not shaken by what is said about me because I live an honest, peaceful, ‘humble’ life. So I trust God to fix what should be and I will obey Him and be still.”

SEEN: Para kay Cherie Gil, mas marami at mahahalagang isyu na dapat pag-usapan kesa sa bagong look ni Charice.

SCENE : Idinaos ang Infinity concert kagabi ni Charice sa Shibuya Public Hall, Tokyo, Japan. Hindi big deal sa mga Japanese ang bagong anyo ni Charice dahil hindi ito nalalayo sa kanilang animé look.

SEEN : Sinuportahan ng mga contract stars ng GMA Artist Center ang VIP screening ng My Kontrabida Girl sa Newport Cinema noong Martes.

SCENE : Sinulit ng direktor ng My Kontrabida Girl ang participation ni Aljur Abrenica dahil hubad ito sa halos lahat ng kanyang mga eksena.

SCENE : Ang report ng Box Office Mojo sa resulta ng mga pelikula na ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas noong  Feb. 29 hanggang March 4.

Show comments