Seryosohan na nga, Xian nakilala na ang pamilya ni Kim
Wala mang teleserye ngayon si Xian Lim ay abala naman siya sa pelikulang The Reunion na kanyang ginagawa. Kasama ng binata sa nasabing proyekto sina Enrique Gil, Enchong Dee , at Kean Cipriano.
“It’s a barkada movie. I’m also about to work on a movie with Kim (Chiu) and ’yung soap but we’re still working on it,” pahayag ni Xian.
Ayon kay Xian ay na-meet na niya ang pamilya ni Kim kamakailan.
“Andun ’yung family niya, her titas and her lola came from Cebu so I had dinner with them. I’m really thankful to be introduced to the family kasi if you guys are hi hello lang, it’s very functional lang, but if it boils down to you meet her family, it means there’s sincerity, it’s genuine. Wala namang masamang kumain ng dinner kasama ’yung family.
“We’re happy, I’m really happy na na-meet ko na sila kasi parang I’m getting to know the person more,” kuwento ng aktor. Dagdag pa ni Xian, sobrang kinabahan siya nang ipakilala siya ni Kim sa pamilya nito.
“Nung pagkapasok ko pa nga pula ’yung face ko, siyempre nahihiya ako. I’m excited at the same time nahihiya ako. Mukha talaga akong namumula,” natatawang paglalahad ni Xian.
May pag-asa kayang magkamabutihan sina Kim at Xian?
“Let’s take it step by step. I don’t want to look to far in the future. Let’s take it moment by moment. Let’s not over think situations. Mas maganda ’yung in-enjoy mo ’yung moment. I’m loving the moment and basta I’m happy we’re getting to know each other more,” makahulugang sagot ni Xian.
Thelma ni Maja pasok din sa New York Festival
Masayang ibinalita ni Maja Salvador na magiging bahagi ng 3rd New York International Film Festival sa Agosto ang kanyang pelikulang Thelma.
Nakasali rin ang nasabing pelikula sa ilang prestihiyosong festival sa ibang bansa katulad ng 22nd Cinequest Film Festival, 36th Cleveland International Film Festival, at 31st Hawaii International Festivals.
“Super blessed ’yung nararamdaman ko kasi ’yung pelikula na ginawa mo hindi lang sa Pilipinas, pati sa ibang bansa napapansin din. Nakaka-proud maging Pilipino kasi mas dumarami ’yung digital films na gawang Pinoy ang naipapalabas abroad, so nakikita nila kung gaano kagaling ang mga Pilipino. Hindi lang ’yung artista at direktor kundi pati gumawa ng script. Kaya sobrang sarap na napabilang sa mga pelikulang nakilala internationally,” nakangiting pahayag ni Maja.
Na-nominate na rin ang dalaga bilang best actress sa ilang award-giving bodies dahil sa nasabing pelikula. Malaki ang pasasalamat ni Maja sa Star Magic dahil sa ginawang paghubog sa kanya upang maging isang magaling na aktres.
“Sobrang maalaga talaga ang Star Magic. Todo workshop ang ginagawa nila sa mga artista kasi lahat naman talaga napag-aaralan para mapabuti ’yung talent at trabaho namin,” pagtatapos ni Maja. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest