Regine at walang muwang na anak binastos, inokray!

Biktima si Regine Velasquez at ang kanyang anak na si Nate ng mga tao na walang magawa sa buhay.

Hindi ko na sasabihin ang pambabastos na ginawa sa mag-ina ng isang unknown pero below the belt ang ginawa nito.

Sinagot ni Regine ang pang-ookray sa kanyang anak. ‘Yun nga lang, naging diplomatic pa siya.

’Daaay, kung sa akin ginawa ‘yon o sa anak ko, they will never hear the end of it. Hitsurang hindi ko siya kakilala, hahanapin ko ang hitad para maturuan ng leksiyon.

Hindi lamang si Regine ang biktima ng mga bastos sa Twitter at Facebook. Victim din ang ibang mga artista gaya ni Zsa Zsa Padilla at marami pang iba.

Panahon na talaga para magkaroon ng batas na magpapataw ng parusa sa mga tao na ginagamit ang social media sa paninira ng kapwa.

Walang kalaban-laban ang mga sinisiraan, celebrity man o hindi, ng mga halang ang kaluluwa na gumagamit ng alias at ng ibang identity.

Huwag magpaloko sa pekeng account

Biktima rin ako dahil may gumagamit ng pangalan ko sa paninira ng mga artista. Hindi ako nagkulang sa pagpapaalaala sa lahat na wala akong Twitter account at wala akong kinalaman sa mga kabulastugan ng fake na “lolit_solis.” Puwede na nga akong magreklamo ng identity theft dahil sa aking impostor.

Panay ang reminder ko na wala akong Twitter account pero matigas ang ulo ng iba nating mga kababayan. Follow sila nang follow sa Twitter account ng impostor na Lolit Solis na puro kasinungalingan ang tweet.

Hindi pa binubura ang fake Lolit Solis account sa Facebook pero hindi na ito sineseryoso ng mga FB users dahil nagbunga ang aking appeal.

Araw-araw ang panawagan ko noon na wala akong Facebook account dahil may mga aspiring stars na nagoyo ng fake Lolit Solis. Binanggit ko sa Startalk at sa mga radio programs ko sa dzRH at dzBB na may gumagamit sa pangalan ko para hindi makapangharbat ang impostora sa mga kabataan na type na pumasok sa showbiz at hinihingi ang tulong ko sa pamamagitan ng Facebook.

MKG pang-alis ng problema

Hindi naman siguro kalabisan kung ire-remind ko sa lahat na ngayon ang second day sa mga sinehan ng My Kontrabida Girl.

Kung gusto ninyo na tumawa at sandaling matakasan ang mga problema, watch n’yo ang My Kontrabida Girl dahil garantisado na lalabas kayo sa mga sinehan na may mga ngiti sa labi.

Hindi ko ito sinasabi dahil kasali ako sa pelikula ’no?! Malakas ang loob ko na irekomenda na panoorin ng lahat ang My Kontrabida Girl dahil talagang feel good movie ito.

Show comments