BB gusto na lang sarilinin ang tungkol sa kanila ng aktor!

PIK : Sa Sabado na magsisimula ang scree­ning ng Manhunt Philippines ng High Street Fashion Models na gaganapin sa Shots Restobar sa No. 112 F. Blumentritt St., San Juan City.

Bukas ito sa mga nagguguwapuhang lalaki edad mula 18 hanggang 27.

Sa mga interesadong sumali puwedeng kumontak sa 0917-4391185 o 0947-3206229.

PAK : Natawa na lang si Aljur Abrenica nang nakarating sa kanya na Bumble Bee na pala ang tawag sa kanya ni Kylie Padilla.

Nagsimula ito nang nalaman ng young actress na bubuyog ang tawag ni Robin Padilla kay Aljur.

Pero parang kinikilig si Aljur na natawa sa tawag sa kanya ni Kylie.

“Mapagbiro talaga ’yun. Natawa na lang ako na ang dami ko na palang pangalan. Okay lang kung ’yun na ang tawag sa akin,” pahayag ni Aljur na abala ngayon sa pag-promote ng pelikulang My Kontrabida Girl na magbubukas na sa mga sinehan ngayong araw.

BOOM : Dahil sa pagdating ni BB Gandang­hari, nabuhay na naman ang mga isyung magsasalita na ang balik-bayang aktor tungkol sa mga kilalang aktor na nakarelasyon niya.

Nakausap namin ang ilang taong malapit kay BB, hindi sila naniniwalang magsasalita ito.

Kung sakaling lalabas man ito sa ilang talk shows, naniniwala silang itatago na lang ni BB ang nakaraan niya sa kilalang aktor na hanggang ngayon ay pinagdududahan pa rin ang kasarian.

Mas excited pa si BB ngayon sa binabalak na programang pagsasamahan ng pamilya Padilla.

Balak ni Robin Padilla na mag-produce ng isang TV show kung saan tampok si BB at ang ibang kaanak nila na active sa showbiz. Isa na nga rito si Kylie na excited din makatrabaho si BB.

Show comments