^

PSN Showbiz

Komedyante nagsalita na, Jose idinenay na may ibang babae, iba pang bintang ng asawa sinagot na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Naglabas kahapon ng statement ang kampo ni Jose Manalo bilang sagot sa mga paratang ng kanyang misis na si Anna Lyn. Malamang na hindi na magsalita si Jose sa media dahil sa paniniwala niya na nilulutas sa pribadong paraan ang mga personal na problema, lalo na kung problema ng mag-asawa ang isyu.

Nagpahayag ng lungkot si Jose dahil pinili ng kanyang misis na magsalita sa media na lalong nagpatindi sa kanilang mga problema.

Read ninyo ang statement mula sa kampo ni Jose: 

“Kasalukuyang hinaharap ni Jose ang ilang pagsubok sa kanilang relasyon ni Anna Lyn. Lubos niyang ikinalulungkot ang desisyon ni Anna Lyn na makipag-panayam sa media gayung alam ni Anna Lyn na makahahadlang lamang ito sa maayos at payapang pag­lutas ng kanilang mga suliranin. Higit sa lahat, hindi ito makabubuti sa kapakanan ng kanilang mga anak.  

“Nakatanggap si Jose ng kopya ng Complaint-Affidavit ni Anna Lyn ukol sa diumano’y paglabag ni Jose sa Republic Act No. 9262. Naisangguni na ito ni Jose sa kanyang mga abogado para sa karampatang aksyon.

“Pinayuhan si Jose na pansamanta­lang huwag magbigay ng anumang pahayag patungkol sa nabanggit na akusasyon. Bukod sa nasabing demanda, walang nalalaman pang ibang kaso si Jose na isinampa laban sa kanya ni Anna Lyn.

“Mariing pinabubulaanan ni Jose ang pahayag ni Anna Lyn na siya ay may ibang karelasyon. Ito ay kanyang sasagutin sa wastong paraan at sa tamang panahon.

“Mariin ding pinabubulaanan ni Jose ang anumang alegasyon ng pagpapabaya, mapa-pinansyal o iba pa, sa kanyang mga anak kay Anna Lyn. Ang katotohanan ay si Jose ang nagbibigay ng nasabing suporta at patuloy na magbibigay ng suporta sa kanyang mga anak sa abot ng kanyang makakaya. 

“Alang-alang kay Anna Lyn at sa kanilang mga anak, pilit na iniiwasan ni Jose na gumawa ng mga legal na hakbang laban kay Anna Lyn kaugnay ng iba’t ibang mga insidenteng kinasasangkutan nito at iba pang mga gawain ni Anna Lyn na nakapinsala pati sa mismong mga magulang ni Jose.

“Dahil patuloy na naaapektuhan ang kanyang pamilya sa usaping ito, nakikiusap si Jose sa media na bigyan sila ni Anna Lyn ng pagkakataong ma-resolba ang mga pagsubok na ito sa pribado at matahimik na paraan.”

Knowing Anna Lyn, sasagutin niya ang press statement ng kanyang estranged husband dahil ’yon ang karakter niya.

Wala sa tipo ni Anna Lyn ang mananahimik pero hindi talaga makakatulong ang pag-iingay niya para ma-win back si Jose. Pati ang mga sikreto ni Anna Lyn, nakakalkal ng mga tao dahil sa hilig niya na ikuwento sa harap ng mga TV camera ang problema na silang mag-asawa lamang ang dapat na nakakaalam.

 Hihintayin pa ba ni Anna Lyn na magpainterbyu rin ang mga tao na naghahabol sa kanya?

MKG, entertaining!

Showing ngayon sa mga sinehan ang My Kontrabida Girl kaya iniimbitahan ko ang lahat na panoorin ang bagong pelikula ng GMA Films.

Itataya ko ang kredibilidad ko, mag-e-enjoy kayo sa panonood ng My Kon­trabida Girl dahil very entertaining ito, kahit tanungin n’yo pa ang mga dumalo sa special screening na ginanap noong Lunes sa SM The Block Cinema.

vuukle comment

ANNA

ANNA LYN

BLOCK CINEMA

JOSE

JOSE MANALO

KANYANG

KNOWING ANNA LYN

LYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with