^

PSN Showbiz

Nagbalik-bayan na, Robin 'di makatingin sa boobs ni BB!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Hiyang-hiya si Sarah Lahbati nang nakatabi nito si Richard Gutierrez sa story conference ng bagong drama series ng GMA 7 na Rancho Paradiso.      

Aminado ang young actress na noon pa man ay si Richard ang gustung-gusto niyang makaka-partner at natupad na nga rito sa Rancho Paradiso.

Kahit si Richard ay parang nahiya rin nang nalaman niyang crush siya ni Sarah.

Maganda nga ito para may kilig sa pagsisimula nila sa taping. Sabi naman ni Richard, sa trabaho muna sila dapat mag-focus at bahala na kung may magandang development sa kanilang pagsasama sa taping.

Kasama rin ni Richard dito si Carla Abellana pero siyempre kay Sarah lang posibleng mali-link ang aktor dahil may Geoff Eigenmann naman ang aktres.

PAK : Dumating na pala si BB Gandanghari galing Amerika nung nakaraang Biyernes.

Kinagabihan ay nagkaroon ng welcome party para sa kanya na ginanap sa tahanan ni Robin Padilla.

Dumalo ang buong pamilya na ikinatuwa ng lahat. Medyo naasiwa lang tumingin si Robin sa kanyang kapatid dahil naka-bra na ito. Hindi alam ng aming source kung may boobs na ba ito, kaya siya nagsuot ng bra.

BOOM : Maraming nagtanong sa amin kung paano nakukuha ng asawa ni Jose Manalo na si Annalyn ang cash bond na ibinigay ng Eat Bulaga tuwing lumalabas ng bansa ang komedyante.

Ang paliwanag sa amin, kaso kasi ito ng mag-asawang Jose at Annalyn kaya ang abogado nila ang nag-aayos nang pagkuha ng permit para makalabas lang ng bansa si Jose.

Ibinibigay na lang ng mga taga-Eat Bulaga ang cash bond na inaayos ng abogado nina Jose at Annalyn. Kaya itong abogado rin ang bumabawi pagbalik ni Jose. Kaya lang pagkabawi ng cash bond, hindi na ito nababalik sa mga taga-Eat Bulaga dahil kinukuha na ito ni Annalyn.

Kaya ang pobreng Jose na lang ang nagbabayad na unti-unting ibinabawas sa kanyang suweldo.

vuukle comment

ANNALYN

CARLA ABELLANA

EAT BULAGA

GEOFF EIGENMANN

JOSE MANALO

KAYA

RANCHO PARADISO

RICHARD GUTIERREZ

ROBIN PADILLA

SARAH LAHBATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with