PIK: Si Rep. Manny Pacquiao ang isa sa mga unang natuwa nang nalaman niyang babalik na sa Manny, Many Prizes (MMP) si Rhian Ramos.
Nung dumaan si Rhian sa matinding intriga, si Manny ang isa rin sa nalungkot at naawa sa kanya. Nalungkot ito nang nalaman niyang magbabakasyon muna ang young actress.
Pahayag ni Manny: “Na-miss siya ng MMP dahil nung umpisa pa andiyan na siya at nung nawala siya, nakabalik, na thank you at nakabalik ka na.
“Kalimutan mo na ang nakaraan kasi ’yung nakaraan hindi mo na kayang ibalik.”
Kasabay nang pagbabalik ni Rhian sa MMP ay para na rin sa promo ng My Kontrabida Girl na magsyu-showing na sa March 14.
PAK: Katakut-takot na panlalait ang inabot ni Charice sa bago niyang hairstyle.
Kalat na kalat sa Internet ang litrato nito katabi ng litrato ni Maverick Relova ng tandem na Ariel and Maverick.
Naikukumpara na rin siya kay Aiza Seguerra na mukhang magkakapareho na sila ng landas na tinatahak.
BOOM: Ayaw nang idetalye ni Grace Lee ang pagkikita nila ni Kris Aquino sa isang dinner. Kasama pa nito si Bimby.
Basta maganda ang kanilang pagkikita at mabait naman sa kanya si Kris, say ni Grace.
“She’s such a wonderful person and she’s so fun to talk to parang hindi kami nauubusan ng kuwento, ’cause magkatabi lang kami and kasama niya ’yung anak niya and of course he’s so adorable also,” kuwento ni Grace.
Nakiusap na rin si Grace na kung puwede ay tigilan na rin siya sa katatanong tungkol sa presidente dahil gusto na niyang manahimik na lang pagdating sa kanilang dalawa.