Dahil sa Pag-ibig cast ipakikilala na

MANILA, Philippines - Summer na summer na sa ASAP 2012 ngayong Linggo (Marso 11)!

Sisimulan na ng buong ASAP Kapamilya ang pinakamasayang summer season na pangungunahan ng isang world-class music collaboration nina Concert King Martin Nievera, OPM rock icon Bamboo, at Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano.

Magpapasiklaban ng ganda at talento ang naggagandahang dilag ng ASAP 2012 na sina KC Concepcion, Nikki Gil, Iya Villania at Toni Gonzaga sa kani-kanilang kahanga-hangang production number; samantalang magpapasabog naman ng isang makapigil-hiningang performance sa ASAP centerstage ang isa sa mga pinakamahusay na aktres ng kanilang henerasyon na si Bea Alonzo.

Hahataw din sa Angeline on Q ang ASAP Pinoy Champ Angeline Quinto; ang nakakabilib na concert treat ni Billy Crawford; at ang malupit na handog ng terrific trio na sina Yeng Constantino, Paolo Valenciano, at Arnel Pineda. Dapat ding abangan ang ihahain na vocal delights nina Erik Santos, Jed Madela, Princess, Juris, at Boys R Boys na siguradong tatatak sa alaala ng mga manonood.

Huwag palampasin ang kakaibang birth­­day celebration ng Drama Prince na si Ge­­rald Anderson; ang engrandeng pag­sa­lubong sa buong cast ng pinakaba­gong primetime teleserye na Dahil sa Pag-ibig na pangungunahan nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Cristine Re­yes, at Maricar Reyes; at ang inihandang sorpresa ng new ge­ne­ration leading lady na si Erich Gonzales para sa kanyang pinakaaabangang summer horror film mula sa Star Cinema na Corazon Ang Unang Aswang.

Samantala, paliliyabin naman ni­na Rayver Cruz, Kim Chiu, Julia Mo­n­es, John Prats, Empress, Ma­ja Salvador, Denise Laurel, Rafael Rossel, at Vincent Bueno ang ASAP dancefloor para sa isa na namang malupit na Supahdance.

Show comments