Piolo at Dingdong magsasama sa isang pelikula

Matutuwa nito ang mga fans nina Dingdong Dantes at Piolo Pascual sa balak nina Vincent del Rosario ng Viva Films at Dondon Monteverde ng Reality Entertainment na pagsamahin ang dalawa sa isang pelikula.

Ang maganda sa project, i-o-offer din kina Dingdong at Piolo na maging co-producer through their res­pective film company. Si Piolo ay co-owner ng Spring Films at si Dingdong ay may AgostoDos Pictures.

Kung matutuloy ang binabalak na pelikula nina Vincent at Dondon, hindi ito ang first time na magkakatrabaho ang dalawa pero sa Kimmy Dora, pro­ducer ni Dingdong si Piolo. Ngayon lang sila mag­sasama bilang mga artista, kung sakali.

Maganda rin abangan kung sino ang makakapareha ng dalawa at kung sino ang magdi-distri­bute ng pelikula.

Julia pagagawan ng salon ang lola, gusto ring magpatayo ng sariling resto

Aminado si Julia Montes na ku­ripot siya, hindi mahilig mag-shopping, lalo na sa malls at mas gustong mamili sa tiangge dahil puwedeng tumawad. Tama naman ang sinabi nito na kundi siya kuripot, hindi siya makakabili ng sasakyan last year at bahay this year.

In fact, lilipat na sina Julia sa three-bedroom house sa isang subdivision sa Antipolo City. Birthday gift niya ito sa sarili dahil 17 years old na siya sa March 19 at regalo rin niya sa kanyang pamilya. Nag-iipon din siya para sa ipa­tatayong beauty salon para sa maternal grandmother niya at ang gustong itayong restaurant dahil mahilig pala siyang magluto.

Ipinagpapasalamat ni Julia ang sunud-sunod na projects na ibinibigay ng ABS-CBN at Star Cinema. Napapanood siya sa Walang Hanggan at tinatapos ang pelikulang The Reunion.

 “I’m looking forward being 17, 18, 19 and onwards dahil marami pang puwedeng mangyari sa akin at sa career ko,” asam ng young actress.

Derrick pinapakanta nang pinapakanta

Sunud-sunod ang pagkanta ni Derrick Monasterio ng theme song ng mga pelikula ng GMA Films. Sila ni Julie Anne San Jose ang kumanta ng theme song ng My Kontrabida Girl, ang Sa A­king Puso at pinabilib nila si Direk Jade Castro, direktor ng pelikulang showing sa March 14.

Solo ring kinanta ni Derrick ang theme song ng The Witness na Before I Die na sabi sa amin, Indonesian song.

Masaya kami para kay Derrick dahil hindi lang sa pag-arte siya sumisikat via Tween Hearts and Alice Bungisngis and Her Wonder Walis. Naha-highlight din ang pagiging singer niya.

Sana lang, mabigyan din ng chance ang ibang GMA Artist Center talents na mahusay ding kumanta na pakantahin ng theme song ng GMA Films o soap para hindi lang isa ang nakikilala sa pag-arte at pagkanta.

Jake panay ang ipon

Natawa kami sa description ni Jake Vargas sa role niyang si Poy sa My Kontrabida Girl : “Probinsiyano, lalaki, at bantay sa resort” at nagwo-work daw siya under Aljur Abrenica.

Mai-in love ang karakter niya kay Bea Binene at dito magkakaroon ng problema.

Gusto na ring mapanood ng buo ni Jake ang pelikula na nakakatawa at nakaka-in love raw talaga. Hindi pala alam ng young actor kung bakit hindi siya kasama sa ibang male cast na may butt exposure sa pelikula. Si Direk Jade Castro raw ang tanungin, as if, papayag siyang magpakita ng puwet!

Samantala, last two days na lang ng taping ng Pepito Mana­loto at hindi pa alam ni Jake kung kasama pa rin siya sa comedy show na ipapalit dito.

Malaking bagay ang talent fee na natatanggap niya sa kanyang mga show para palakihin ang Internet business niya sa Olongapo.

Tuwang-tuwa nga ito na kinuha siyang endorser ng BNY clo­thing dahil pandagdag na puhunan sa bubuksang business ang ta­lent fee na ibinayad sa kanya.

Show comments