Ex ng maimpluwensiyang tao sa showbiz, mukhang losyang na!
Nagmukhang losyang na ang ex-girlfriend ng produ.
Yup, simula nang maghiwalay sila ng maimpluwensiyang tao sa showbiz, parang nabawasan ang pagiging sosyal niya.
Nang minsang makita ko siya sa isang shop, sa sale items na siya namimili at hindi na siya pa-sosyal katulad dati.
Noon kasing dyowa niya pa ang maimpluwensiyang tao, talagang kaya niyang patalbugin ang mga nagpapakilalang sexy stars. Bongga rin ang mga gamit niya, lahat halos signatures.
Pero ngayon, tumaba na siya. Hindi na rin alaga ang hair at yun nga, ordinary girl na lang siya.
Sharon pakikinggan lahat ng problema ng kababaihan
Sharon lang ang magiging title ng afternoon program ni Megastar Sharon Cuneta sa TV5. Pero wala pang exact airing date dahil baka maurong pa raw ng one week ayon sa manager niyang si Mr. Vic del Rosario. Dapat pala ay next week na pero malamang maging March 19 na.
Lahat ng problema ng mga misis ang pag-uusapan sa nasabing programa ni Sharon na nagsimula nang mag-taping.
Parating binabarat Jake maraming pinalampas na endorsement
First endorsement pala ng Kapuso young actor na si Jake Vargas ang BNY Jeans. “Pero marami na kaming offer pero madalas hindi kami nagkakasundo sa talent fee, kasi masyado namang binabarat,” hirit ng kanyang manager na si Mr. German Moreno.
At least dito raw sa BNY, naging fair ang ibinigay sa kanilang datung na makakadagdag sa mga investment ng aktor na siyang bumubuhay sa naiwang responsibilidad ng kanyang magulang.
Masuwerte kung tutuusin si Jake na may manager na nag-aalaga at alam makipag-bargain ng presyo.
“Kuya Germs is very supportive. Isa siyang tatay at napakabait at matulungin,” sabi ni Jake tungkol sa kanyang mentor.
Isa si Jake sa pinaka-abalang Kapuso young actor sa kasalukuyan. Current projects niya : Alice Bungisngis and Her Wonder Walis, Walang Tulugan with the Master Showman, Pepito Manaloto and Reel Love Presents : Tween Heart at kasama siya sa pelikula nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica na My Kontrabida Girl.
- Latest