MANILA, Philippines - Buong bansa ay nakatutok na tuwing hapon sa makulay na kuwento ng Angelito: Batang Ama sa mas tumitingkad na Kapamilya Gold ng ABS-CBN.
Base sa pinakahuling datos ng Kantar Media, panalo sa average national TV rating na 13.2% mula Feb 27 hanggang Mar 2 ang programa kumpara sa kalaban nito na nakakuha ng 12.5%. Maging sa online world ay gumagawa ng ingay si Angelito (JM De Guzman) sa patuloy nitong pakikipaglaban sa karapatan bilang ama at makailang beses na ring nag-trend sa micro-blogging site na Twitter.
Patuloy na subaybayan ang mga kaganapan lalo pa’t nasa poder na ni Rosalie (Charee Pineda) ang anak nilang si Jun-Jun (Joshen Bernardo).
Paano nga ba haharapin ni Angelito ang pagkakawalay sa anak?
Paano rin pupunan ni Rosalie ang limang taong hindi nakasama ang batang iniluwal niya sa mundo? Pakatutukan 3:15 p.m. pagkatapos ng Mundo Man ay Magunaw.