^

PSN Showbiz

Hayden lumayas na sa condo ni Dra. Belo, matagal na ring hindi nag-uusap ang mag-ex!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Natupad na rin ang matagal nang pangarap ni Iza Calzado na umapir sa Maalaala Mo Kaya (MMK).           

Dahil isa na siyang Kapamilya talent, ang MMK ang unang dramang ibinigay sa kanya at katuparan na nga ito sa matagal na niyang pangarap.           

Mapapanood ang espesyal na episode na ito ni Iza sa MMK sa darating na Sabado. Kasama niya rito si Zanjoe Marudo na idinirek ni Nuel Naval.

PAK : Sa tingin ng anak ni Dr. Vicki Belo na si Cristalle Henares, tuluyan na ang pakikipaghiwalay ng kanyang mommy kay Hayden Kho, Jr.

Hindi na nakatira si Hayden sa condo unit sa The Fort at matagal na silang walang komunikasyon.

Alam niyang mahirap ang pinagdaraanan ng kanyang ina pero nandiyan naman sila na patuloy na sumusuporta sa kanya at nagsisikap na mapasaya nila ito.

 “Nadaanan ko na rin ’yun. Ako rin ang umiiyak sa kanya. So, you know we’re just there for each other. Minsan na-sad ako but I have to be strong for her,” pahayag ni Cristalle sa press launch kay Vice Ganda bilang bagong endorser ng Belo Medical Group.

Nasa Germany pa ang doktora nang ganapin ang presscon ng Belo para kay Vice Ganda kamakalawa ng hapon, kaya si Cristalle ang humarap sa press.

BOOM : Kahapon ay nagpaalam na si Grace Lee sa radio program nila ni Mo Twister na Good Times sa Magic 89.9.

Ang usap-usapan, nairita si Grace sa mga tini-tweet ni Mo na laging ginagamit ni Grace ang pangalan ni P-Noy sa mga kuwentuhan.

Pero itinatanggi ito ni Grace. Okay daw sila ni Mo at wala itong kinalaman sa kanyang pagre-resign.

Wala ring kinalaman ang away nila ni Angelicopter at ang affair kay P-Noy.

Iniiwasan na nga niyang pag-usapan pa ang presidente, kaya kapag na-ambush interview ito ay nakikiusap na siyang walang tanong tungkol kay P-Noy.

Nilinaw naman ng Magic 89.9 na nasa kanila pa rin si Grace at pinag-uusapan pa kung anong programa ang ibibigay nila sa napabalitang kasintahan ni P-Noy.

vuukle comment

BELO MEDICAL GROUP

CRISTALLE

CRISTALLE HENARES

GOOD TIMES

GRACE LEE

HAYDEN KHO

IZA CALZADO

P-NOY

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with