Maipagkakapuri rin pala ang kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex. Makakatapos din ito ng kanyang kursong Humanities sa University of Asia and the Pacific. Medyo tumagal nga lamang ang kanyang apat na taong kurso. Naging anim na taon ito pero ang mahalaga ay natapos siya.
At dahil sa kanyang accomplishment ay na-inspire si Toni na magtapos din ng kolehiyo, babalikan nito ang kanyang pag-aaral.
Ganda naman ng impluwensiyahan ng magkapatid. Kesa magkaroon ng professional rivalry dahil pareho ang work nila, nagtutulungan sila, nagsusuportahan. Maganda silang ehemplo, ‘di ba?
Regine tanggap na crush ni ogie si Solenn
Hindi kaya nati-threaten si Regine Velasquez kay Solenn Heussaff? After all, open si Ogie Alcasid sa pagsasabing crush niya ang sexy star.
But knowing ang pinagdaanan nina Ogie at Regine bago sila nakasal, walang magiging hadlang para sa patuloy na pagganda ng kanilang marriage.
Mas maganda nga ‘yung nagkaka-crush sa iba si Ogie, lalo lang niyang napapatunayan kung gaano niya kamahal si Regine.
DongYi kinababaliwan
Hindi lang ang mga local soaps ang sinusubaybayan ng marami sa GMA kundi maging ang Koreanovela nitong DongYi. Kilig na kilig ang marami sa magandang kuwento ng pag-ibig ng isang hari at isang DH sa kanyang palasyo. Ewan kung saan aabot ang kanilang love story.
Ayaw kong ipakuwento sa aking maid of honor (DH) na napanood na ang kabuuan ng istorya dahil masisira ang aking panonood.
Panoorin n’yo na lang at sigurado ako, magugustuhan n’yo rin ang DongYi.