^

PSN Showbiz

Bea may pinatunayan na sa aktingan

- Ni Ramon Bernardo -

MANILA, Philippines - Kapwa katangian ni Bea Binene ang pagkakaroon ng magandang mukha at nakakahawang hagikhik na sapat para bumagay sa kanya ang papel na Alice Bungisngis and her Wonder Walis. Kasama na ang kanyang karisma na sapat para mapabilang siya sa mga nangungunang batang celebrities.

Noong una pa mang makita ng mga manood ang bumubungisngis na si Bea sa teaser pa lang ng drama-fantasy series ng Kapuso na Alice Bungisngis and Her Wonder Walis ay nagayuma na sila nito. Maganda na ang rating ng primetime adventure makaraang iere ang pilot episode nito noong Feb. 6.

Idinirehe ni Mark Reyes ang serye na nagtatampok din sa iba pang sikat na kabataang artista bilang suporta kay Bea tulad nina Jake Vargas, Derrick Monasterio, at Lexi Fernandez. Kasama rin rito sina Jean Garcia, Janno Gibbs, Sheena Halili, Ana Roces, at Buboy Garovillo (ng APO Hiking Society).

Bilang talent ng GMA Artist Center, may pinatunayan na sa pag-arte si Bea kasunod ng epektibo niyang pag-arte sa mga nilabasan niyang pelikula noong nakaraang taon na Ang Panday 2, Tween Academy: Class of 2012, at Si Agimat at si Enteng Kabisote noong 2010. Sa telebisyon, maraming beses siyang lumabas sa Saturday morning teen flick na Maynila na kinagiliwan ng mga viewers.

Ipinakita rin niya ang husay niya sa acting sa iba’t ibang teleserye. Nariyan ang pagganap niya bilang Berna Cortez sa Pahiram ng Isang Ina at Misha Balangge sa Captain Barbell.

Ang Alice Bungisngis and Her Wonder Walis ay kuwento ni Alice, isang maka-Diyos na apo ng mangkukulam na dumanas ng maraming pagsubok sa buhay at ginamit ang sariling kapangyarihan sa pagliligtas sa mga mahal niya sa buhay. Kapana-panabik ang pakikipagkaibigan niya kay Ace na ginagampanan ni Jake.

Unang namalayan ng publiko si Bea nang maging finalist siya sa StarStruck Kids. Nagkaroon na agad ng fan base ang 14 anyos na dalagitang aktres nang gampanan niya ang papel ni Natali Dimaculangan sa TV series na First Time. Noong taong 2005, nakuha siyang maging isa sa mga junior child ambassadors para sa Haribon Foundation.

ALICE BUNGISNGIS

ALICE BUNGISNGIS AND HER WONDER WALIS

ANA ROCES

ANG ALICE BUNGISNGIS AND HER WONDER WALIS

ANG PANDAY

ARTIST CENTER

BEA

BEA BINENE

BERNA CORTEZ

BUBOY GAROVILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with