Naurong sa March 17 ang pilot ng Game N’ Go, ang game show ng TV5 hosted by Edu Manzano. Dapat March 10, na ang airing ng game show, pero hindi pa raw tapos ang renovation ng Delta Theater na ni-rent ng network para rito gawin ang iba nilang shows gaya ng Game N’ Go at ang Sharon Kasama Mo ni Sharon Cuneta.
Ang intriga sa Game N’ Go, ang set designer nito ay dating set designer ng mga show ng ABS-CBN gaya ng Game Ka Na Ba?, Wowowee, at Pinoy Bingo Night.
Kabilang sa co-host ni Edu sina Gelli de Belen at Arnell Ignacio.
Martin at Charice, magiging hurado sa X-Factor Philippines
Nadulas dati si Martin Nievera nang ibalitang isa siya sa judge ng X-Factor Philippines at muntik nang banggitin ang iba pang judges, pero napigil. Ang host ng X-Factor Philippines na si KC Concepcion, nadulas din kaya nang i-announce sa Twitter na si Charice lang ang female judge ng show.
Nasa bansa si Charice dahil sa kanyang Infinity Tour concert sa March 9, sa Smart Araneta Coliseum. Si Iyaz na kasama niya sa Pyramid ang special guest ni Charice sa concert at mga nakasama sa ABS-CBN.
TJ tuloy ang pagsali sa Rancho
Kahapon natuloy ang storycon ng Rancho Paradiso at present siguro si TJ Trinidad dahil kasama siya sa cast. Hindi pala behind-the-camera ang partisipasyon ng actor sa action-drama series na pagbibidahan ni Richard Gutierrez.
Nasa cast din ng Rancho Paradiso si Sarah Lahbati na leading lady ni TJ sa Kokak at si Ricky Davao ang director na director ng dalawa sa Kokak kaya silang tatlo ang may reunion dito.
Isa si TJ sa walang reklamo bida o kontrabida role man ang ibigay sa kanya, basta maganda ang role.
Matutupad ang wish nitong balikan ang pagiging kontrabida kung ‘yun nga ang role na ibibigay sa kanya sa Rancho Paradiso.
Dating aktres in charge sa mga kakaining salad ng mga sikat na Hollywood celebrities
Nasa bansa ang US based actress na si Liza Di?o dahil kabilang siya sa 32 artists from different fields of the arts na tumanggap ng Ani ng Dangal mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Ang four-year-old daughter lang niya ang naisama ni Liza dahil may trabaho ang Fil-Am husband niya.
Nakakuwentuhan namin si Liza at nalaman naming nagtatrabaho siya bilang aspiring chef sa Spago Beverly Hills, owned by top chef Wolfang Puck. In-charge siya sa paglabas ng first course gaya ng salad, appetizer, and soup. Nagda-dine sa Spago sina Oprah, Arnold Schwarzenegger, Andrea Bocelli, at iba pang A-lister Hollywood celebrities.
Na-miss ni Liza ang preparation para sa katatapos na Oscars dahil nandito na siya, pero kasama siya sa nag-put-up ng menu, sa planning at plating. Last year, nasa Oscars siya at usually, two weeks inaabot ang preparation. Matrabaho raw ang paghahanda ng dinner sa mga Hollywood stars dahil kailangan separate dishes ang inihahanda nila. Marami kasi ang vegetarian at merong may mga allergy.
Nag-OJT lang si Liza sa Spago after she completed a certificate program in Culinary Arts sa Le Cordon Bleu of Culinary Arts and after her OJT, kinuha na siya ng resto.
Pero hindi pa rin kinakalimutan ni Liza ang acting, “I’m an actor first and if I can marry cooking and acting, much better,” ani Liza.
Sunod siyang mapapanood sa indie film na In Nomine Matris bilang Filipiniana-Flamenco dancer sa direction ni Will Fredo.
Nag-aral siya ng flamenco under flamenco dancer Clara Ramona at naging dancer ng Clara Ramona and Company.
Kasama sa cast ng In Nomine Matris ang Italy-trained opera singer na si Al Gatmaitan, Biboy Ramirez, Flamenco master Clara Ramona na siya ring choreographer at si Tami Monsod. Ipalalabas this year dito ang pelikula.
Hanggang March 17 pa rito si Liza at sana makapag-guest siya sa alinmang TV shows para makapagkuwento ng buhay niya sa Amerika bilang aktres at aspiring chef.